Be positive and strong even though you have many problems that you encounter, because being positive and strong are one of the most important way to help us
Si Samantha ay isang simpleng babae lamang na nakatira sa probinsya ng mindoro kasama ang kanyang lola. Sila ng lola nya at mga pinsan nya ang magkakasama dahil sa iniwan muna sya ng kanyang ina para may makasama ang kanyang lola sa probinsya. Ok lang naman sa kanya ito dahil simula bata palang sya ay lola na nya ang kasama nyang lumaki.
Si Samantha ay nasa 1st yr high na sa kanilang probinsya. Maraming araw na naiisip nya ang mama ay mga kapatid nya na nasa manila. Nalulungkot sya kasi iniwan silang dalawa ng lola nya.
Ang pamilya ni Samantha ay isang religious person ngunit ng magkahiwahiwalay silang buong pamila sila nalang ng lola nya ang nananatili.
Pinilit ni Samantha na sunduin sila ng mama nya at isama sa manila.
At dumating nga ang pinakahihiling nya.
Pero hindi nya inaasahan na ang pagpupumilit nya na pumunta sa manila kasama ang kanyang lola ay magiging mahirap para sa kalusugan ng kanyang lola.
Maraming paghihirap ang dinanas ni Samantha ng makatungtong sya manila. Yung inaakala nya na masaya ay sa una lang pala nya mararanasan.
Maraming bagay na pumapasok sa isipan ni Samantha na hindi nya masabi sa iba dahil isa din sa katangian nya ang mahiyain.
Sa paglipas ng ilang taon hindi inaasahan ni Samantha na babalik ulit sila ng pinsan nyang babae sa probinsyang pinanggalingan nya dahil sa malaking problema.
Ngunit wala syang pakialam kung magtagal man sya sa probinsyang iyon dahil para naman iyon sa kaligtasan ng kanyang lola. Alam ni Samantha na hindi nya kakayanin kapag nawala ang lola nya kaya gagawin nya lahat.
At sa pagkakataong ito, hindi nya inaasahan na dito nya magagawa ang mga bagay na hindi nya dapat gawin.
Makakaya pa kaya nyang kontrulin ito? o Magpapatuloy lang sya dahil ito ang gusto nya?