UNWANTEDUpdated at Feb 25, 2022, 07:07
S I M U L A
»»»
"Anong ginagawa mo dito Binibini?"
Napalingon ako sa nagsalita at sumagot,
"Ikaw?, Anong ginagawa mo dito?"
"Wag mo sa aking ibalik ang aking tanong Binibini, Ikaw ang una kong tinanong kaya't sagutin mo ako."
Marahas kong ipinilig ang ulo ko ng hahawakan nya ang pisngi ko.
" Umalis ka na dito Ginoo bago pa ako mainis saiyo."
"Gumagalang ka din pala? Akala ko kasi hindi eh. Atsaka...bakit ganyan ang iyong kasuotan? parang isa ka sa ikaka----"
" BINIBINI NASAN KA NA? KAILANGAN MONG DUMALO SA PILING KABABAIHAN NGAYON NA PAG PIPILIAN PARA IKASAL."
"HUWAG KA NG MAGTAGO PA BABAE."
"NAKIKIUSAP KAMI BINIBINI MAGPAKITA KANA."
Di na naituloy ng lalaking nasa harapan ko ngayon ang sasabihin nya at ngumisi ito sa akin.
" Kung ganon, Isa ka pala sa mga babaeng pagpipilian Binibini. Bakit ka tumatakas? Ayaw mo bang makasal sa prinsipe?"
"Manahimik ka lalaki! wag mo akong pakialaman dahil di ko ginustong mapabilang sa laruan ng prinsipe."
"Binibini di naman masama na---"
"Sabing tumahimik ka! Ayoko na mapabilang sa pag pipilian Lumayas ka sa harapan ko at hayaan mo akong makatakas."
"Hindi iyon maari lalo pa't ako ang Prinsipe."
nakangisi nitong sabi kaya't nagulat ako at natakot.
Maya maya pay huminto sa likudan ng prinsipe ang mga kawal na naghahanap sa akin.
wala nadin akong nagawa dahil nakatutok na sa aking leeg ang espada ng Prinsipe at napapalibutan na kami ng mga kawal nito.
Ayokong mapabilang sa pipiliin na mapangasawa ng Prinsipe dahil isa lamang akong Binibini at madaling mahulog ang kalooban sa lalaking malapit sakin.
Kaya naman umiiwas ako sa lahat ng lalaking makikisalamuha sa akin.
Di ko ginusto ito, Ngunit nangyayari ito ngayon.
A/N:: [ Sana magustuhan nyo at samahan nyo ako sa mga kwentong magaganap sa buhay ng isang Binibini. ]