Sa pagmulat na lang si Joem. Bumungad sa kanya ang isang nurse na dalaga at winika "Good morning baby boy!"
Gumanti naman siya ng ngiti at natanong kung ano ang nangyari sa kanya.
Sa halip na sumagot ang nurse. Lumapit ito kay Joem, tinakoan ang muka at bigla inalis ang mga kamay at binulaga siya bigla siya nalito sa ginawa ng nurse.
"Ang cute cute naman nagising na ang baby boy" wika nito sa kanya.
"Anong nangyayari?" ngunit walang lumalabas na salita sa kanya ngunit mga ungol ng isang sanggol.
Habang naguguluhan ay napansin na ang nakahiga parin siya sa isang maliit na kama at nung ginalaw nya ang kanyang katawan ay nakita nya ang maliliit na kamay at braso ng isang sanggol. "Anong nangyari sa akin? bakit bumalik ako sa pagiging sanggol?" Habang nag iisip sya ay nakakarinig siya ng iyak ng isang sanggol.
Si Joem pala ang umiiyak.
Lumapit ang nurse sa kanya at pinatahan sya bago tinawag ang mag-asawa na nag aabang sa labas ng silid.
Nakita nya ang kalendaryo na nakasabit sa pader at nagulat siya petsa na nakadisplay mula roon. Ang Petsa ay December 14, 1984.
Inalala ni Joem kung ano ang mga pangyayaring naganap sa kanya bago siya muling nagising bilang sanggol.