When the Tide ComesUpdated at Dec 28, 2020, 18:32
Muling maghihiganti si Raga, ang diwata ng karagatan. Babangon itong muli at lulunurin ang sangkalupaan sa tubig. Ito ang alamat na kinatatakutan ng mga tao sa Hulaynon.
Pagkalipas ng ilang libong taon, muling mahuhukay ang kuwentong ito sa pagdating ni Adelia sa bayan. May kaakibat daw siyang panganib, ngunit ang tunay na dala ng pagdating niya ang magsisimula ng panibagong kuwentong di nila inaasahan.