Nagpaalam lang ang ka-MU ni Guada na maliligo saglit pero isang linggo na ang nakalipas hindi pa rin ito nagre-reply. Bwisit! Gaano ba kakapal ang libag ni Santi at isang linggo na't mukhang hindi pa ito tapos maligo?
Gustong-gusto talaga ni Guada si Santi kaya pinagbigyan niya ito. Baka makakaahon din ito sa tubig. Pero hindi niya na kaya! Santi ghosted her! And enough is enough! Magmo-move on na siya pero kailangan niya ng closure! Kailangan niyang makita si Santi.