Hii! I am Ayne. Not a good storyteller but i amm trying. This is the best way of escape for me so please no hate? You can correct me freely if something was not right. I am willing to learn.
Lahat ng problema ay pwedeng itago sa pamamagitan ng mga ngiti. Lahat ng tao ay paniguradong nauuto ng mga ngiti na walang kasiguraduhan kung totoo ba o hindi. Sa bawat ngiti ay may kwentong nakatago, ang iba'y alam ng sambayanan ngunit ang ilan ay nananatiling lihim lamang.
Sa bawat pagkakataon, paniguradong lahat ng bagay ay mayroong kwento. Minsan totoo, subalit ang karamihan ay hindi sigurado. Haka-haka at pawang kathang isip. Patuloy na naniniwala sa katotohanang itinanim sa isipan kahit hindi alam kung wala ba iyong halong kasinungalingan.