Not My Type (But My Heart Didn’t Get the Memo)Updated at May 16, 2025, 16:03
Matalik na magkaibigan ang pamilyang Montenegro at Saavedra, kaya lumaki si Savannah Montenegro na parang bahagi na rin ng Saavedra household. Lalo na kay Mortensen Saavedra, ang bunsong anak na kaedad niya—magkaibigan simula pagkabata. Malapit si Savannah sa buong Saavedra family... bukod sa isa.Si Mikkelsen Saavedra.Ang gitnang anak.Ang Saavedrang ni minsan ay hindi siya nagustuhan—at ganun din siya rito.Pero kahit pa ganoon, may tinatangi pa rin si Savannah sa magkakapatid: si Matthysse Saavedra, ang panganay. Ang ultimate childhood crush niya. Ang lalaking turing lang sa kanya ay nakakabatang kapatid.Ano ang mangyayari sa kwento ni Savannah—sa pagitan ng pagkakaibigan, matagal nang paghanga, at tensyong matagal nang iniiwasan?Sabay-sabay nating tuklasin ang mga lihim, damdamin, at koneksyong bubuo (o sisira) sa relasyon niya sa magkakapatid na Saavedra.