Story By Rhaime22
author-avatar

Rhaime22

ABOUTquote
I write, because I like. Kaya ko kayong pakiligin ewan ko lang sa palibugin. WALA AKONG BS, Charrrr?? I am one of the thousand aspiring writers who fullpill my dream to become a writer. ?I am not a professional writer, I\'m just a dreamer. I am, Rhaime22 sumusulat dahil gusto ko. Malikot ang utak pero hindi harot. Kapag napagod, ako\'y magpapahinga pero hindi susuko. Patuloy na susulat para sa pangarap. Come and join me to read my stories pero pasensiya na agad sa savage na typo error at mga wrong grammar.? #COMPLETE/FREE *The old maid Rhaime-series 1* Be mine again *The old maid Sansky-series 2* You\'re mine, only mine VIP/PAY TO READ *Til the last wave of hate* ONGOING *The old maid Angelzy-series 3* You will be mine *ON HOLD *The old maid Ysmiellien-series 4* You become mine
bc
Angelzy, You're mine forever; Old maid series 3 (Ongoing tagalogR18+)
Updated at Jul 20, 2023, 23:05
Si Angelzy Joyce Onasna ay tatlumput tatlong taong gulang na independiyenteng babae, na nagtapos nang mag-isa, dahil sa mga hindi kanais-nais na kaganapan na kinasangkutan ng kaniyang mga magulang. Mayroon din siyang madilim na karanasan sa kaniyang unang pag-ibig, kaya, hindi na niya naisipan umibig pang muli. Para sa kaniya, isang label lamang ang salitang 'boyfriend' kaya hindi na sumubok pa kailanman. Sa Paniniwalang sex lang ang habol ng mga ito kung bakit siya pinag-aaksayahan ligawan ay agad na rin niya iyon ibinibigay. Maaaring siya ay baliw na sa ganitong paniniwala. Kaya nang ang kaibigang si Aidemiell ang magtapat ng pag-ibig sa kaniya ay pinagtawanan lang niya ito at hindi iyon sineryoso. Paano kung sa pagpupumulit nito na pasukin ang kaniyang tahimik na puso at daanin sa isang pagsubok? Mapaninindigan kaya niya na hindi ma-inlove rito.? Paano rin kung magbalik ang taong nagwasak ng kaniyang puso? At muli siyang suyuin nito. Sino ang mas matimbang? Ang noon na muling nagbabalik o ang ngayon na handang gawin ang lahat makuha lang ang pagmamahal na inaasam nito mula sa kaniya.
like
bc
Ysmiellien, You will be mine, Old maid series 4 (SPG TAGALOG)
Updated at May 1, 2023, 19:01
Ysmiellien Montemayor---isang babaeng kahit sinong lalaki ay tiyak na mabibighani sa bawat pag-rampa niya. She's beautiful, sophisticated, sexy and a very famous international ramp model. Sa pagiging sikat na modelo, marami ang naniniwalang taglay niya ang liberated signature bilang isang sikat na modelo. Pero iyon ang akala nang nakakarami, dahil sa kabila ng kasikatang tinatamasa niya ay nagtatago sa likod ng nagkikislapang camera at glamorosong entablado ang isang inosenteng Ysmiellien Montemayor . Ang kasikatang iyon ay nanganganib na mawala sa kaniya dahil sa isang problema na itinawag ng kanyang ama. Kailangan niyang pumunta sa Sealandia Paradise na pribadong pag-aari ng kanilang pamilya sapagkat may naghahangad daw na makuha ito mula sa kanila. Hinding-hindi niya iyon papayagang mangyari dahil ang islang iyon ay kakambal ng buo niyang pag-katao at nakahanda siyang tumandang dalaga sa lugar na ito huwag lang mawala sa kanila ang pinaka-mamahal niyang Isla. Ngunit isang lalaki ang magtatangkang pasukin ang Sealandia Paradise sa katauhan ng isang Essmatt Jobrail Villasis. Paano kung sabihin ng estranghero na ang pamilya talaga nito ang tunay na may ari ng Sealandia at hindi ang mga Montemayor na ipinipilit niya? Ano ang kaya niyang gawin para maisalba ang Isla na nanganaganib mawala sa pamilya nila, ganoon din ang kanyang puso at damdamin na kasama nitong tatangayin? Hanggang saan ang kaya niyang laban? Start written: August 13, 2021 Finish written:
like
bc
The man behind his mask (DARK SECRET SERIES)
Updated at Apr 8, 2023, 01:12
Mask bar. . . Lugar kung saan naranasan ni Danna-ann ang kakaibang ligaya. Lugar kung saan hinangad na balik-balikan upang hanapin ang minsang nakaulayaw nang kaniyang maisuko ang pagkababae ng hindi namamalayan. Magtatagumpay kaya siya na muli itong makita at tuluyang makilala kung tanging maskara lamang na suot nito sa mukha ang kaniyang palatandaan? Ano ang hiwagang mayroon sa likod ng suot nitong maskara na gigimbal sa kaniya sa isang katotohanan. . .?
like
bc
Sansky, You're mine, only mine; Old maid series 2 (Complete)
Updated at Mar 26, 2023, 22:55
Literal na mahilig sa pakikipag blind date si Sansky Naverro. Hilig na niya itong gawin lalo at paglilibang ang tawag n'ya dito at pangtanggal ng pagod. Ngunit isang panyayari ang babago sa kanyang kinahihiligan nang pagtagpuin sila ni Ritchmond Candelaria at may manyari sa kanila. Naging pursigido itong pa kasalan at panagutan siya. Paano siya papayag kung gayong wala sa kanyang plano ang pakikipag boyfriend, pag-aasawa pa kaya. Isama pa ang isang panyayari sa dahilan ng hiwalayan ng kanyang mga magulang kung bakit atubili siyang pumayag dito. Pero tila hindi madaling sumuko ang binata? Ngunit nagbago ang lahat ng kagustuhan nitong mapakasalan siya sa isang kaalaman na parehong gumulat sa kanila. Mayroon pa kanyang you're mine, only mine na bibigkas nito sa kanila?
like
bc
Til The Last Wave of Hate (SPG-TAGALOG)
Updated at Oct 2, 2022, 19:28
Nang magkasakit ang ina ni Mayella noong panahon na nagtatrabaho ito bilang kasambahay sa pamilya Pineda na pinakakilala at maimpluwensiyang pamilya rito sa bayan nila ng Pradera. Namasukan siya bilang isang caddie sa Golf Course Club na pag-aari din ng pamilya Pineda ang ginawa niya para masuportahan ang pagpapagamot sa ina at ang pang-araw-araw na gastusin nila. Dito niya nakilala si Coult Hunt na anak ng mga ito. Nang magtapat ng pag-ibig si Coult sa kaniya ay hindi siya nagdalawang-isip na tugunin ang pag-ibig nito kahit anak pa ito ng pamilyang naging dahilan ng ipinagkaganoon kaniyang ng ina. Ngunit isang katotohanan ang babago ng lahat. Ang matamis na pag-iibigan sa simula ay mapapalitan ng poot at galit sa puso ni Mayella at tila isang alon na wala nang katapusan. Dahil sa pusong nasaktan at binalot ng pagkamuhi ay iyon din ang naging daan para matuto siyang lumaban sa isang Coult Hunt Pineda. Kaya nang mag-alok ng tulong ang kaibigang si Charles sa kaniya ay hindi siya nagdalawang-isip na tangapin ito. Ano ang kayang gawin ng isang Charles Andrada sa buhay ng isang Mayella Pascual? Lalo at may lihim siyang pagtingin sa dalaga. Maaari nga bang huminto ang pag-alon ng pagkamuhi sa pusong may paninindigan na labis na kinain ng galit at poot na pinaghari nang isang Mayella Pascual?
like
bc
Rhaime, Be mine again; Old maid Series 1 (COMPLETE)
Updated at Aug 9, 2022, 22:14
Sa paniniwalang mahal siya ng taong mahal niya, sa edad na labing-walo ay naranasan na ni Dylan ang pagkabigo sa pag-ibig dahil kay Rhaime, ang babaeng buong puso nitong minahal. Iniwan siya nito. Winasak ang kaniyang puso nang ganoon lang na hinding-hindi niya matatanggap. Sa pagkikita nilang muli, matapos ang labing limang taon kaya bang mapanatili ni Dylan ang pader na binuo sa puso nito? O, hahayaan nitong muli na sumibol ang dating batang pag-ibig para dito. Will he accept her again in his life or will he continue to fight in his heart? Can the pain caused by love be cured many years later? Will he be able to love her again despite the unexpected meeting fifteen years later? Who among them will say the words be mine again?
like
bc
Symphony Of Music: I Fall All Over Again
Updated at Jun 30, 2022, 18:47
Sixteen year old lamang si Arsie Del Fiero, noong makaranas ng unang pakikipagtalik sa isang lalaki. Isang beses lamang ngunit hindi na nasundan pa. Isang karanasang hindi niya makakalimutan sa tanang buhay niya. Sapagkat ibinigay niya ang kaniyang pagkababae sa isang lalaking unang nagpatibok ng puso niya kahit walang kasiguraduhan kung ano ang maaaring kahinatnan ng kaniyang minsan katangahan. At iyon ay sa isang nagngangalang Ibarra Miguel na kasintahan ng kaniyang Ate Emellia. Makalipas ang sampung taon ay muli silang nagkita sapagkat sinundo siya nito sa Reunion party nang dati niyang eskuwelahan na kaniyang dinaluhan. Sa pagkikitang iyon nila ni Ibarra ay isang damdamin ang binuhay nito muli sa kaniya na ang buong akala niya ay namatay na. Makakaya kaya niyang panindigan na hindi na maging marupok muli rito at hindi na muling maulit pa ang minsan niyang pagka desperada dahil lang sa pagmmahal niya rito? Sa muling pagkikita na iyon, na nasundan at nasundan pa. Paano niya pa pipigilan ang pusong patuloy itong muling mahalin nang paulit-ulit? Kung alam naman na niyang bawal na itong mahalin kahit sa simula pa man noon unang may maganap sa kanila mas lalo na ngayon?
like
bc
To Capture Bituin's Heart
Updated at Dec 28, 2021, 15:13
Bituin Sakramento aka Iambeautifull2.0. Isang sikat na manunulat ng erotic romance novel. Mga kuwentong pag-ibig ang porte niya na may halong erotika na may mga happy ending, pero walang s*x life dahil wala naman sariling lovelife sa tunay na buhay. Paano kaya niya maitatawid ang isang kuwentong siya mismo ang naging bida? Katulad ng kaniyang mga akda sa nobela na may magagandang katapusan. Maranasan din kaya niya ang magmahal at mahalin sa kabila nang katotohanang itinatago niya ang buong pagkatao at tunay niyang itsura sa publiko? Sa pagtatagpo nila ng kaniyang magiging male protagonist dahil siya ang female protagonist sa isang liblib na isla. Ano ang kayang gawin at baguhin ng isang Guillermo Baltazar sa pagpasok nito sa buhay ng isang Bituin Sakramento?
like