Story By Your_pretty_bae
author-avatar

Your_pretty_bae

bc
SPG STORIES (KPOP RELATED)
Updated at Jun 7, 2026, 05:55
Bata pa lang ay magkaibigan na sina Jihoon at Junkyu. Madalas kambal ang tawag sa kanila ng iba dahil hindi sila mapaghiwalay. Magkaklase rin kasi ang mga ito mula kindergarten hanggang sa umabot ng high school. Childhood best friends ang tawag ng nakararami pero para sa kanila ay parang magkapatid na ang turing sa isa’t-isa. May mga araw na magtatambay at maglalaro si Junkyu sa bahay nila Jihoon at dito nakilala niya ang bunsong kapatid niya na si Junghwan. Nagmistula siyang middle child sa kanila dahil bukod sa nag-iisang anak, nasa abroad din ang kanyang mommy kaya napapadalas ang pagkikipaglaro at tambay sa bahay ng magkapatid. Wala naman din sa kanila dahil welcome na welcome rito ang binata. Halos dito na siya tumira dahil pagkatapos ng klase ay didiretso siya sa bahay nila Jihoon upang gumawa ng mga takdang-aralin. May mga damit na nga siya rito at kagamitan sa banyo gaya ng toothbrush para hindi na siya mahirapan kapag naliligo. At dito nasisilayan ni Junghwan ang kanyang kuya na si Junkyu araw-araw. Bukod sa pogi at cute ang binata, mabait din ito at laging nasa tabi ni Junghwan kapag nangangailangan siya ng tulong. Nagmistula siyang kakampi sa tuwing nararamdaman niyang kalaban ang lahat. “Kuya…salamat ah…alam mo naman ikaw lang kakampi ko e…” banggit niya habang yakap ang binata at nasa kandungan niya ito. Narito sila ngayon sa kwarto ni Junghwan. Cinocomfort niya ito dahil may nangyaring hindi maganda. “Ano ka ba ayos lang! Ito naman parang sira! Pwede mo akong kausapin kapag may problema ka. Basta hindi lang ako busy.” Bukod sa lagi siyang andyan para sa binata, napansin din ni Junkyu na lagi siyang nagpapapansin sa kanya sa tuwing tumatambay o may ginagawa sila ni Jihoon. Umabot din sa punto na lagi siyang binibigyan ng mga regalo. Kapag birthday niya o may mga importanteng okasyon.
like