The Cursed (Sepheera Mortem)Updated at Aug 13, 2021, 00:19
“She was born to die Elizabeth!” He spoke as if he were a roaring fire.
“No, father! May karapatan siyang mabuhay, dugo natin ang nananalaytay sa kaniya!”
“Wala siya ni karampot na karapatan upang mabuhay Elizabeth—“Mas lalo niyang diniinan ang pagsabi niyon.
“Bunga siya ng isang malaking pagkakamali, na sana’y matagal ko nang tinapos, bahagi siya ng kadilimang lalamon sa atin kapag hinayaan nating mabuhay, kill her now Elizabeth or else every werewolf in each pack will die, hindi siya nararapat na mabuhay pa Elizabeth!” pananakot nito
"Noooo... I can't, I won't do that!" akmang aalis na ako nang may sabihin ito na siyang ikinagimbal ng mundo ko
"We can't let the prophecy happen, hindi lang siya kahihiyan sa pamilya Elizabeth... Siya ang itinakda Elizabeth, siya ang wawasak sa atin, but that will not happen; there is only one way to stop the prophecy, Elizabeth, and you already know what it is." Hindi na ako nakakibo at tuluyan ng bumagsak sa sahig.