" I LOVE YOU ,GOODBYE"
Yung tipong mahal mo pero iiwanan mo. Nasa sitwasyon ako na gusto kung kumapit pero may mga nagtutulak sakin para bumitaw. Mahal ko siya pero nakakapagod lumaban pag mismong magulang ng mahal mo ang may ayaw.
Kita ko sa mga mata ni Gavin ang lungkot at galit na alam kong para sa akin. LOVE is not about the word STAY but it is all about sacrifice.
Kasabay ng pagtalikod ko ay ang pagbuhos ng luha ko na kanina ko pa pinipigilan, bawat hakbang ng paa ko dinarasal ko na sana-sana tumigil ang oras.
"Damn it, babe. i love you lang ang gusto kong marinig hindi ang goodbye mo." napahinto ako sa paghakbang ko ng bigla niya akong niyakap mula sa likod, ramdam ko na pareho na kaming umiiyak. "There's no happiness in me without you babe. konting tiis na lang ,please"
Tinanggal ko ang yakap niya sakin at pinagpatuloy ang paghakbang palayo sakanya-palayo sa taong mahal ko.
"Babalikan kita Gavin . At sa muli nating pagkikita , ipapakita ko a pamilya mo na nararapat na ako para sayo"