If you love my novels, you love me too. Kidding! Keep on reading and supporting. Palangga ta kamo:)
✓ Extraordinary woman, independent, and passionate.
✓ Can write under pressure
✓ A writer who loves her work and put a lot of effort.
Dahil sa kahirapan ng buhay, pinasok ni Erina ang iba’t-ibang trabaho para lang matustusan ang kaniyang pangangailangan araw-araw. Binubuhay niya ng mag-isa ang kaniyang sarili simula no’ng umalis siya sa puder ng kaniyang ama.
Naging maayos naman ang takbo ng kaniyang buhay pero nagbago ang lahat nang dumating at nakilala niya ang binatang si Wayne Louie Anderson. Isang bilyonaryo, kilalang personalidad sa larangan ng negosyo, at nagmamay-ari ng mga tanyag na resorts at casino sa Pilipinas at maging sa labas ng bansa. Subalit, walang kaalam-alam si Erina tungkol doon.
May isang pangyayari na nagtulak kay Wayne para ilihim ang kaniyang pagkatao at palabasin na siya ay nawawala. Ito’y naging daan para makasama siya ni Erina sa iisang bubong at naging daan para makilala at magustuhan siya ng dalaga.
Magbabago kaya ang pagtingin niya sa binata kapag nalaman niya na ang tungkol sa totoong pagkatao nito? Isasantabi kaya niya ang galit para sa pag-ibig? O paiiralin ang galit at pagkamuhi, at sumuko sa iniibig?
Because of the incident, my life change completely. I never thought that in an instant, I would lose everything. Family, friends and even the man that I loved. But I met a man which I did not expect to love him.
He is the mysterious one, cold as ice, introvert, anti-social but he really caught my attention. But the way his voice sounds or the words he speak makes me think that I met someone like him before.
Curiosity kills me inside. Naging parte kaya siya nang nakaraan ko? Nakilala ko na ba siya noon? Pero hindi ko inaasahan na isang araw, mahuhulog ako sa kaniya.
Can we bring back our past or remain strangers?
Athena Sandoval, ulila na sa magulang at tanging ang tiyahin na lamang nito ang kasama sa buhay. Maaga siyang nabuntis sa edad na labing-walong taong gulang sa isang lalaking nagngangalang Zachariah Elliott Montero. Nagtatrabaho siya bilang waitress sa isang bar nang makilala niya ang binata. Dahil sa sobrang kalasingan ng lalaki, huli nitong napagtanto na may nangyari sa kanila ng dalagang matagal na niyang sinusundan nang makita niya ito sa tabi niya kinabukasan. Nagbunga ang pangyayaring iyon ng isang munting anghel na nagpabago sa takbo ng buhay ni Athena.Sa paglipas ng mga taon, muling nagtagpo ang kanilang mga landas. Ngunit hindi alam ni Athena na ang ama ng kan'yang anak ay isa sa pinakamayamang tao sa mundo.Sasabihin ba niya ang tungkol sa kanilang anak o ililihim na lamang niya ito mula sa binata? Mapapatawad kaya niya si Zachariah kapag nalaman niya ang mabuting nagawa nito para sa kan'ya?