KIDNAPPED BY THE HOT UNCLEUpdated at Aug 20, 2025, 23:09
KIDNAPPED BY THE HOT UNCLE
MATURE CONTENT
R-18
ROMANCE
HINDI akalain ni Keira Cervantes na ang desisyong pagsunod sa kakambal niyang si Leira sa Maynila ang magiging daan upang malagay siya sa kapahamakan.
Unang yapak pa lamang niya sa siyudad nang may mga lalaking dumukot sa kaniya at hindi niya alam kung saang lugar siya dinala. Pinatulog siya ng mga ito. At nang siya'y magising, isang guwapo at matikas na lalaki ang mastermind ng lahat. Hindi niya kilala ang lalaki ngunit ipinipilit nito na siya ang may kasalanan kung bakit napahamak daw ang pamangkin nitong si Mico. Clueless si Keira sa pinagsasasabi ng lalaki hanggang sa nalaman niyang hindi pala siya ang kailangan nito kundi ang kakambal niyang si Leira.
She was kidnapped by the Hot Uncle.
Galit na galit si Michael Thompson sa kaniya. Lahat ng masasakit at hindi katanggap-tanggap na pangmamaliit sa kaniyang pagkababaé ay narinig niya mula rito. Pilit nitong ipinamumukha sa kaniya kung gaano siya kababang babae.
Paano pa mapatutunayan ni Keira na hindi siya ang may atraso sa pamangkin nito kung pangalan niya ang ginamit ng kakambal para makapangloko ng ibang tao? At ang masaklap pa, si Mico na tanging pag-asa niyang magpapatunay na hindi siya ang pekeng Keira ay bulag pala.
Kaya nga ba'ng magpanggap ni Keira na ang kakambal niya upang tulungan si Mico na pumayag para makapagpa-opera at muling makakita? O, makikipagmatigasan siya kay Michael at ipamumukha na mali ito ng taong pinaghihigantihan?
Hanggang saan kaya kayang makipagmatigasan si Keira kay Michael kung sa bawat pagkakataong magtatama ang kanilang mga mata ay bumibilis ang kab0g ng dibdib niya?
📌
📌
KIDNAPPED BY THE HOT UNCLE
"Do you know how much I hate you?" tanong nito mayamaya na tumagos hanggang sa kaluluwa ko.
"I hate you. So much. Gusto kitang durugin sa mga kamay ko. Hanggang ngayon, hindi ko pa rin maintindihan kung bakit mahal na mahal ka ni Mico. Ano bang ginawa mo sa kaniya? Ginayuma? Tinakot? O, baka mas'yado mong ginalingan sa kama kaya hindi ka niya kayang kalimutan kahit..." hindi nito tinapos ang sasabihin.
"Kahit ano? Kahit pvta ako?" Ako na ang nagdugtong sa dapat ay sasabihin niya. Alam ko namang 'yon ang sasabihin niya.
Mabigat na buntong-hininga ang pinakawalan nito bago tinawid ang natitirang distansya mula sa akin.
Napasandal ako sa kahon nang idiniin niya sa akin ang katawan niya. Ilang segundo na parang hindi ako makahinga. Naka-bra lang ako. Kaya ramdam na ramdam ko ang matigas na dibdib ni Michael na nakadikit sa akin.
Tinangka kong manulak, pero mabilis niyang pinigilan ang kamay ko.
Napipilan ako lalo nang hawakan niya ang baba ko gamit ang libreng kamay niya at bahagyang iangat. Nagtama ang mga mata namin.
"Tell me, Keira. Ano'ng ginawa mo para kabaliwan ka ni Mico nang gano'n. Tell me, ikaw ba ang tumatrabaho sa tuwing magse-sex kayo?"
Napaawang ang bibig ko.
"Bino-blow job mo ba siya?" Walang filter na tanong niya.
Napasinghap ako.
"Answer me, Keira. Bino-blow job mo ba si Mico--"
"Oo!" Putol na sigaw ko. "Oo, Michael! Oo lahat ang sagot ko sa tanong mo. Tutal 'yon naman ang gusto mong marinig, hindi ba? Kaya oo na! Ako ang tumatrabaho sa tuwing magse-sex kami! Ako ang nasa ibabaw! Bino-blow job ko siya!" Sigaw ko.
Nanginginig ako sa sobrang panliliit sa sarili. Kahit hindi totoo, ang sakit. Nakapangliliit. Sobra.
Natulala ito.
"Narinig mo na ang gusto mong marinig. Ano? Masaya ka na? Okay ka na? O, gusto mo pang ulitin ko? O, baka gusto mo pang ikuwento ko sa 'yo isa-isa kung ano ang ginagawa namin?" Nanginginig na pati boses ko, pero pilit kong pinapatatag.
"Ano?! Bakit natahimik ka na?!" Pinaghahampas ko ang dibdib niya.
"Keira..."
"Ano?! Ano pa ang gusto mong marinig? Gusto mo bang sabihin ko na rin kung paano ko ibin-low job ang pamangkin mo? Gusto mo?!" Sigaw ko habang patuloy na hinahampas ang dibdib niya.
"No," tila hangin na lang na lumabas sa bibig niya ang salitang 'yon dahil sa sobrang hina. "Ayoko." Umiling-iling ito.
"Hindi ko gustong marinig, Keira. Ayoko."
Pero dahil nasagad na ako. Nagsimula akong lumikha ng kasinungalingan kung paano ko pinaligaya si Mico. Hindi ko na alam kung ano ang mga kalaswaang lumalabas sa bibig ko.
"Stop it, Keira! That's enough!" Awat niya.
Hindi ako huminto. Tuloy ang paglabas ng malalaswang salita sa bibig ko.
"Isinubo ko pati itlog niya!"
"I said enough, Keira!" Sigaw niya.
"Tama na? Bakit? 'Di ba gusto mong marinig? Gusto mong malaman? Heto na, ikukuwento ko na lahat para magtigil ka nang lintik ka! Pagkatapos kong isubo ang itlog niya, dinilaan ko rin--"
"I said stop it! Damnit!" Parang nawala ang kalasingan nito.
"Ano'ng stop it? Walang stop it-stop it! Magsawa kang makinig sa kuwento ko, lintik ka-- hmp!" Nanlaki ang mga mata ko nang walang babalang inangkin niya ang mga labi ko.
Mapusok. Marahas. Mapagparusa.