Story By yaya
author-avatar

yaya

ABOUTquote
ako ay simpleng babaeng magtitiis
bc
Lapis,Bala at Korona
Updated at Sep 11, 2026, 08:41
Introduksyon : Mula sa masasayang araw ng aking kabataan hanggang sa masalimuot na kaganapan ng aking buhay. Matutunghayan mo ang buhay ng isang babaeng punong puno ng mga pangarap sa buhay. Isang probinsyang nagsisikap magtapos ng pag aaral upang makatulong sa mga magulang. Isang probinsiyanang biniyayaan ng katalinuhan at nagkamit ng karangalan sa buhay. Ako si Mariposa Asuncion 35 taong gulang. Marami akong karanasan sa buhay. May masasaya at malulungkot din naman. Isa rin akong babaeng mapaibig ng isang gobernador ng aming probinsya. Ang pangalan niya ay si Diego Matalas o mas kilala bilang gobernador Diego o gobernador Matalas. Siya ay isang matalinong gobernador na nagtapos sa kursong AB Political Science sa Unibersidad ng Mutya sa aming probinsya. Ako ay namatayan ng ina, at kapatid sa hindi makataong paraan. Ito ang nag udyok sa akin ng matinding paghahanap ng hustisya para sa kanilang tatlo. Ang aking mga magulang ay larawan ng isang responsableng mga magulang noong sila ay nabubuhay pa. Laging abala sa hanapbuhay at sa pagtupad ng kanin obligasyon sa amin ng May pagmamahal. Hindi mabilang na araw ng mga maagang paggising at araw ng pagkapagod ang kanilang naranasan upang itaguyod ang aming pamilya. Ang aking kapatid naman ay isa ring mabuting kapatid noong siya ay nabubuhay pa. Naibaon na ang katawan nila sa kanilang mga hukay pero maibaon ang sa lupa at pagkalimot ang aming masasayang samahan. Namatay silang tatlo sa baka at ako lang natitirang buhay. May nagsabi sa akin na para daw akong May buhay ng isang pusa na May diyan na buhay. Nanariwa ang mga sugat ng kahapon. Hustisya ay hinahanap at hindi tumitigil sa paghahanap hangga't hindi nakukuha. Kung sinu sino ang aking nakilala. Mula sa aking mga naging hanapbuhay hanggang sa aking pag asawa. Naging asawa ako ng isang gobernador dahil sa aming kasunduan sa isa't isa. Wala pang namumuong pagmamahalan noon sa amin hanggang sa nabuo kalaunan. May mga babaeng humahadlang sa aming pagmamahalan. Kaliwa't kanan ang mga paninira at hindi tumitigil hanggang sa magiba ang aming mga buhay ng mga kontrabida. Mula sa lapis ng paaralan na hawak hawak ko noon na nagbigay ng karangalan sa aking buhay ay lumipat ako ng pag ibig. Bala ang naging kasa kasama ko sa pagkawala ng aking mahal sa buhay. Hindi ko mahanap ang hustisya sa lahat subalit sa aking mga kamay bala ang humahatol sa pumaslang sa aking pamilya. Sa tulong ng gobernador ay nakapasok ako sa loob ng tinatawag nilang elite squad o ang grupo ng mga taong mataas ang kakayahan sa paghawak ng mga baril. Natutunan kong bumaril sa kanila. Bawat target ay walang ligtas sa aking mga kamay lalo na kapag sila ang naunang bumaril. Akala ko'y sa bala dapat ako umasa ng hustisya. Ngayon ay kalaban ko na rin ang batas. Naranasan ko rin noong pagbintangan sa kasalanang hindi ko ginawa. Sa tulong pa rin ng gobernador ay naibasura ang kasong destructive Arson laban sa akin ng Margata Enterprises. Kumapit ako sa gobernador upang mabigyan ako ng proteksyon. Simula ng nasa poder niya ako parang wala akong takot na naramdaman. Bayad ako sa bawat matagumpay kong misyon. Buhay man o patay ko silang nadadala kay gobernador. Noong ikasal kami ay masaya ako dahil kahit papaano ay natutunan naming mahalin ang isa't isa. Siya ang panibagong gumawa ng masasayang ala ala ng aking buhay. Dinalaw ko ang libingan ng aking mga magulang at kapatid. Sinabi kong nabigyan ko na sila ng hustisya. Mula sa bala na aking hawak ay hinawakan ko rin ang kanyang korona. Ang kapangyarihan ng gobernador ay ginagalang ng mga tao. Maraming kalaban niya ang takot sa kanyang prinsipyo at paniniwala. Ang pangalan ko ay maganda ang kahulugan isang Gamu gamo nagdadala ng swerte . Minsan akong nawalan ng pakpak at hindi na makalipad subalit dahil sa korona niya muli akong lumipad ng mataas hanggang sa malasap ko ang ulap ng tagumpay na puno ng kaginhawaan. Ipinangako kong hindi na ako babalik sa kahirapan. Tinatamasa ko ngayo'y masarap na buhay kasama si gobernador Diego. Ako na ngayon si Ginang Mariposa Asuncion Matalas na mayroong isang anak na babae na pinangalanan kong Maria Mariposa. Inilagay ko ang pangalan ko sa kanya upang kahit patay na ako'y buhay na buhay pa rin ang aking pangalan sa kanyang pangalan. At ngayon ay naririto na ako sa ilalim ng hukay kasama ng aking mga magulang at kapatid pero hindi ako nanghinayang ng aking kamatayan dahil nakuha ko ang katarungan na nais ko. Nahatulan ng kamatayan ang mga pumatay sa kanila. Heto ako't dala dala ang masaya kong kamatayan. Sa lapis ikaw ay magiging marangal subalit sa bala ikaw ay magdurusa pero magpasalamat ka sa korona dahil iaangat ka niya. Ngayon ay mga alaala na lamang lahat ang kasiyahan at kalungkutan ay nakamtan na subalit tunay na pag ibig pa rin ang nanaig. Andito na rin ang mahal kong si Diego kasama ko sa hukay at ang tangi ko na lamang anak ang magpapatuloy ng aking mga pangarap. Tunghayan niyo naman ang buhay ni Maria Mariposa ang nag iisa kong anak na babae ...
like
bc
Mula sa lupa ako'y naging ginto
Updated at Aug 20, 2026, 03:58
Ang kuwentong nilikha ng aking makulit na kaisipan ay nagpapatungkol sa isang babaeng anak ng isang mahirap na mga magulang na nagpursigi sa buhay upang makamit niya ang tagumpay. Ito ay kuwento ng pakikipaglaban sa kahirapang nararanasan subalit dahil sa matatag na determinasyon ng bida ay nagawa niyang makayanan ang mga dumating na pagsubok sa kanyang buhay. Ang bida ng kuwentong ito ay nakibaka sa hamon ng pang aapi at mga pisikal na mga pang aabuso laban sa kamay ng mayamang kanyang pinaglilingkuran na si Donya Publisidad. Isang tanyag na mayamang angkan na naninirahan sa isang malaking subdibisyon ng Buena Dyamante. Dahil sa ayaw ng Donya na magkagusto ang kanyang anak na lalaki sa mahirap na si Margarita ay nag isip iyong gawan ng masama ang mahirap na babae upang mailayo ito ng lubusan sa kanyang anak na lalaki na isang tagapagmana niya. Si Donya Publisidad ay isang mayamang donya na kilalang kilala ng mga tao roon sa Buena Dyamante dahil sa pagiging matapobre nito. Mahilig itong mang api ng kanyang mga manggagawa pero walang naglakas ng loob na magreklamo dahil takot ang mga ito. Nasusuhulan ang mga pulis at kalaunan ay naareglo na at wala ng kaso dahil sa kapangyarihan na naroroon sa pamilya. Ngunit malaki ang pagkakaiba ng pag uugali ng kanyang anak na lalaki mula sa kanya. Habang siya ay mala demonyo ang anyo ng pagkatao ang anak niya naman ay malaki ang pinagkaiba ng ugali sa kanya. Sa pagdating ng ibig ng kanyang anak na lalaki yayanig ang mundo ng matapobre ng Donya na walang ibang inisip kung hindi ang reputasyon ng kanilang pangalan. Magawa kayang ipaglaban ni
like
bc
Anak ng mahirap
Updated at Mar 4, 2026, 17:51
Si Maya ang Isang anak ng Isang magsasaka sa malayong probinsiya. Ang pangalan ng kanyang mga magulang ay Sina Berto at Laring. Siya ang nag Isang anak nila. Isinilang Siya ng kanyang ina na malusog. Noong nag uumpisa pa lamang maglakad si Maya ay kakikitaan na ito ng katalinuhan. Tuwang tuwa ang kanyang mga magulang habang nakikitang lumalaki si Maya. Palaging napapabilang si Maya sa listahan ng mga matatalinong estudyante
like