My bestfriend's brotherUpdated at Oct 14, 2026, 18:34
Hindi lubos maisip ni Cassandra na may galit sa kanya ang kuya ng kanyang bestfriend na si Jacob gayong wala naman itong ginagawang masama. Matagal na silang magkaibigan simula pa grade school at talagang hindi maitago ng kuya nito ang pagkadisgusto sa kanya. Si Miguel Santillan ang pinakabatang naging Mayor ng kanilang lugar na. Sumunod ito sa yapak ng kanyang ama na isa ring politiko. Kilala si Miguel sa pagiging sobrang istrikto nito kaya lahat ng mga naninirahan sa nasasakupan ay may disiplina. Marami na rin itong nagawa para sa kanilang lungsod kaya nakilala ang kanilang lugar na isa sa pinakamaunlad na lungsod sa buong bansa. Pero isa ring kilala si Cassandra na palabang babae. Hindi ito basta-basta nagpapaapi. Hanggang saan kaya aabot ang puksaan ng dalawa ?