Dalawang linggo bago ang kasal ni Sofia Alcantara sa kanyang secret boyfriend na si Sandro ramos ng bigla nalang itong hindi magparamdam.
Si Sofia Alcantara ay isang doktora, very dedicated doctor, pero may pagka old fashion sya na parang dipa nasisikatan ng bagong henerasyon ...
Sya ang head doctor ng General surgeon sa Alcantara's private hospital sa may quezon na pagaari ng kanyang namayapang ama
35 years old na si sofia at sobra na syang pinipressure ng kanyang grandparents na magasawa na dahil sobra ng matanda ang lolo at lola niya at gusto ng mga eto na makita munang nasa maayos na sitwasyon at may magaalaga na dito bago sila mamatay
Kaya para matigil na sa pangungulit ang kanyang lolo at lola , niyaya na niya si sandro na magpakasal na sila na ikinagulat naman nito na napaoo nalang ..
Pero wala syang kamalay malay na iiwan sya sa ere ng kanyang bf.
Kaya ngayon namomroblema sya kung anong gagawin niya dahil sa susunod na linggo na inaasahan ng kanyang buong pamilya na ipapakilala na niya ang kanyang fiancee sa unang pagkakataon na ngayo'y nawalang parang bola
.
At dito naman na susulpot si Roberto sanchez.
Ano kaya ang magiging papel ni roberto sa buhay ni sofia?
"Akala ng tatlong magkakaibigan na sina;
Samver Salvador, Unnie Cruz at Joven Villanueva na si unnie at ang nakatatandang kapatid ni samver ang nakatakdang ikasal sa pamamagitan ng arrange marriage na isang matatag na tradisyon ng tatlong pamilya na halos mahigit 10 dekada ng itinatatag ng mga elders ng tatlong pamiya kung saan ang bawat panganay na anak na babae at lalake ng pamilya ang itatakdang ikasal.
Ang kasalan ay nagaganap kada 30 years .
Si unnie Cruz ang babaeng panganay ng pamilya cruz at si xander naman ang panganay na anak ng pamilya salvador na panganay na kapatid ni samver.
Pero nagkaraoon ng pagbabago sa tradisyon dahil sa isiniwalat ni Xander sa kanyang pamilya.
Si samver salvador ay may tinatagong lihim na pagmamahal kay unnie , na higit pa sa pagkakaibigan. Pero pilit niya etong inaalis dahil alam niyang wala syang karapatan mahalin si unnie dahil nakatakda na etong ikasal s kanyang kuya.
Kaya naghanap sya ng babaeng nararapat sa pagmamahal niya, At nakilala niya si dennise.
Si unnie cruz naman ay tanggap na ang kanyang kapalaran , hindi pa man sya naipapanganak ay nakaarrange na kung sino ang kanyang makakasama sa pagtanda. Kahit pa nga may ibang laman ang puso niya. tanggap na niya na hindi niya eto maaaring mahalin at pinipilit niyang iwaksi kung ano man ang nararamdaman niya sa taong eto.
Samantalang si joven villanueva ang maiipit sa magiging sitwasyon nilang tatlo. Isa syang gay, at sya ang nagiging rason ng kasiyahan ng lahat dahil sa masayahin nitong character.
Isang araw , nagpatawag ng isang pangkalahatang pagpupulong ang mga elders, nagaganap ang ganitong pagpupulong once in every 30years kaya ang lahat ng angkan ng pamilyang salvador, cruz at villanueva ay magsasama sama sa mansyon ng mga elders. Sa mansyon na eto nakatira ang 6 na elders ng tatlong pamilya at dito kadalasan ginaganap ang family gathering and special events.
Alam na ng lahat kung san patungkol ang pagpupulong nato, kaya kinakabahang dumating ang tatlo magkakaibigan ..
Sa kalagitnaan ng pagpupulong nabigla ang lahat maliban sa mga magulang ng tatlo . Lalo na ang tatlong magkakaibigan .
Ano kaya ang naging rebelasyon ni xander na naging dahilan ng pagkakaroon mg pagbabago sa tradisyon?
Ano ang inanunsyo ng mga elders na nagdala ng matinding pagkagulat sa tatlong magkakaibigan?
Samahan niyo akong pumasok sa buhay ng tatlong magkakaibigan at alamin ang mga kaabang abang na mangyayare sa buhay ng tatlo at sa tradisyon ng buong angkan ..