Story By JERSEY GABRIELLE
author-avatar

JERSEY GABRIELLE

ABOUTquote
Please follow me too in W@ttpad: sea_rena18 Thank you po sa support...
bc
Type kita, Mr. Sungit!
Updated at Aug 28, 2023, 09:40
Ron Rich Pulido. Isang hunk, celebrity-model na nuknukan sa kasupladuhan at kasungitan. Pero walang pakialam si KJ kung ito na ang pinakamasungit at supladong nilalang sa earth. Simula kasi no’ng araw na magkrus ang landas nila, hindi na nawala sa isip niya ang itsura ng binata. Kaya naman sa bawat pagkakataong makikita niya ito ay nagpapansin siya rito. Dumating na nga sa puntong napagkamalan siyang stalker nito, at ipinadampot sa guwardiya ng village, kung saan ginaganap ang photo shoot ng binata. Mabuti na lang at matalino siya. Mantakin mong naisip niyang ipagsigawan sa lahat na ina siya ng magiging anak nila ni Ron Rich? “What the hell you are doing?” nanggigigil na tanong nito sa kaniya. Nginitian niya ito nang ubod nang tamis at buong pagmamalaking sinagot ito, “Congratulations Honey, magiging Daddy ka na!” Nanlalaki ang mga mata ni Ron habang nakatitig ito sa kaniya. “Baliw kang babae ka! Paano naman ako magiging ama ng anak mo? Ni hindi nga kita kilala, at saka naka-one night stand ba kita?” sumasakit na ang ulo nitong tanong sa kaniya. “Kaye Janelle Marasigan, KJ for short. Ngayong kilala mo na ako, halika na’t magpakarami na tayo!” Umabrisyete pa siya sa lalakeng tila hanggang nang mga sandaling iyon ay natitigilan pa rin. Umubra kaya ang kasungitan at kasupladuhan ni Ron, sa napakakulit at nuknukan ng ingay na si KJ?
like
bc
Captain Series 3: Captain Rex - The Captain Ball
Updated at May 15, 2022, 01:40
***Note: This story contain some sexual activities that may not suitable for the young readers/minors.*** The more you hate, the more you love. Iyan ang mga katagang paulit-ulit na sinasabi ng mga kaibigan ni Mary Grace sa kanya. Walang araw kasing hindi niya isinumpa si Rex dahil sa pagpapaiyak nito sa kanyang BFF. “Hinding-hindi kita magugustuhan John Rex Trimor! Itaga mo iyan sa bato. I will not ever fall in love with a playboy like you! I hate you!” gigil na gigil niyang sigaw sa rooftop ng building na pinapasukan niya. “Really?” nagulat pa siya ng marinig ang baritonong boses sa kanyang likuran. “Why I have the urge to pursue you? Listen Grace, you may hate me for some reason. But I promise to make you fall in love with me, sweet heart.” Napanganga siya sa sinabing iyon ni Rex sa kanya. Mapaibig nga kaya ni Rex ang masungit at mataray na si Mary Grace Yabao? Disclaimer: This is a work of fiction. The names of the people, places, scenes, or any other establishment mentioned in this story were all created by my imagination. Any similarities to other stories or actual situations, however, are not intended to be copied or used. Copyright© 2022 Jersey Gabrielle All rights reserved. No part of this book may be reproduced or used in any manner without the prior written permission of the copyright owner, except for the use of brief quotations in a book review.
like
bc
Captain Series 2: Captain Jeffrey - The Barangay Captain
Updated at Jan 30, 2022, 17:00
***Note: This story contain some sexual activities that may not suitable for the young readers/minors.*** “Hihintayin ko ang pagbabalik mo. Kahit gaano pa iyon katagal, maghihintay ako. Hinding-hindi ako mapapagod na maghitay sa iyo. Kasi mahal kita, mahal na mahal. Kaya titiisin kong malayo ka sa akin. Basta sa pagbabalik mo, siguraduhin mo lang na sa akin pa rin ang puso mo.” Ito ang mga huling katagang binitawan ni Jeffrey kay Kristine bago ito umalis patungong Amerika. Ngunit paano kung paglipas ng panahon ay magbago ang lahat? Paano kung ang dating pangako nila para sa isa’t isa ay tila nakalimutan na? Magawa pa kaya nilang ibalik ang dating pag-iibigan, kung may kaagaw na sila sa puso ng isa’t isa?
like
bc
I Love You For What You Are
Updated at Jan 16, 2022, 09:25
Maharot! Iyan ang isang salitang makakapag-describe kay Trixie Pena. Ang babaeng wala ng ibang ginawa kundi ang makipaghabulan sa disgrasiya masilayan lamang ang kaniyang bhe-bhe mi amore na si Charlie Rivero. Confused! Iyan naman ang salitang makakapaglarawan sa pagkatao ni Charlie Rivero. And lalakeng bumihag sa puso ni Trixie. Pero paano nga ba niya sasabihin sa dalaga ang kaniyang tunay na nararamdaman para rito, kung maging siya ay hindi matukoy ang kaniyang tunay na pagkatao? At si Trixie, ipu-push pa rin kaya nito ang kaniyang feelings para kay Charlie, kahit na sina bi na nito sa kaniyang ibaling na lang sa iba ang pagtingin? Paano nga ba niya mapapa-ibig ang kaniyang bhe-bhe mi amore?
like
bc
Bitter-Sweet Cafe 5 (Never Tired Loving You)
Updated at Jan 16, 2022, 09:23
***Note: This story contain some sexual activities that may not suitable for the young readers/minors.*** Maryjo o mas kilala sa pangalang MJ, isang babaeng palagi na lang nabibiktima ng mga katagang; 'It's not you, it's me'. Minsan naiisip niya tuloy na may mali sa kanya kaya palaging ganoon ang sinasabi ng mga nakaka-date niya. Habang ang kanyang BFF ay palaging namumukadkad ang buhay pag-ibig. Kaya nang mabigo ito sa pag-ibig, ay dinamayan niya ito at nagpakalasing silang dalawa sa pad ng kanyang BFF. Kinabukasan ay nagising na lang siyang walang saplot sa kanyang katawan, at katabi ang tulog na tulog niyang BFF. On her shock, mabilis siyang umalis sa pad nito at hindi muna nagpakita sa kanyang BFF. Hanggang ng araw na umalis ito para habulin ang babaeng dahilan ng pagkabigo nito. Huli na nang malaman niyang nagdadalantao siya. At dahil ayaw niyang sirain ang masayang buhay ng kanyang BFF, hindi na niya ipinaalam dito ang tungkol doon. Pero paano kung magbalik ito sa Pilipinas? Paano niya ipagtatapat dito ang tungkol sa kanilang anak? Tanggapin kaya nito ang katotohanang nagbunga ang isang gabing pagkalimot nila? Abangan natin ang kapana-panabik na eksena sa Bitter-Sweet Cafe 5 (Never Tired Loving You) MJ and Yeoj story.
like
bc
Bitter-Sweet Cafe 3 (Loving James)
Updated at Jan 16, 2022, 09:22
Hindi maganda ang unang pagtatagpo nina Thummy at James, dahil hindi man lang humingi ng pasensiya ang binata nang mabangga siya nito. Kaya naman galit na galit siya sa antipatikong lalake. Ngunit isang araw ay mababago ang pagtingin niya sa binata. Hindi naman pala ito kasing antipatiko kagaya ng iniisip niya. Lalo na nang iligtas siya nito mula sa kamay ng kanilang maniac na guest. Doon magsisimulang mabuo ang kanilang relasyon bilang magkaibigan. Ngunit paano kung isang araw ay maramdaman niyang nahuhulog na siya sa binata? Paano niya paiibigin ang isang taong matindi pa ang tama sa nakaraan? Mapagtagumpayan kaya niyang makuha ang puso nito? Manalo kaya siya sa laban na ito? Paano naman ang gagawin niya, kung muling magbalik ang ex nitong nang-iwan dito dalawang taon na ang nakararaan? Maipaglaban kaya niya ang sariling feelings para dito? Oh my gulay, paano nga ba? Tunghayan ang kwento nila sa Bitter-Sweet Cafe 3 (Loving James) Thummy and James story.
like
bc
Bitter-Sweet Cafe 2 (When Love is Right)
Updated at Jan 16, 2022, 09:20
Two strange heart that meets unexpectedly, in unexpected time. Fall in love with each other and builds a happy relationship. Pero paano kung ang inakala mong magandang relasyon ay panandaliaan lamang? Paano kung may maaari palang masaktan along the way? Kakayanin mo bang ipaglaban ang pagmamahal mo sa taong mahal ka rin? O susuko ka na lang para walang ibang masaktan? Lahat ng iyan ay matutuklasan natin sa Bitter-Sweet Cafe 2 (When Love is Right) Ayen and Bernie story.
like
bc
Captain Series 1: Captain Chino - The Pilot
Updated at Dec 2, 2021, 16:30
***Note: This story contain some sexual activities that may not suitable for the young readers/minors.*** Batid ni Chino na labis niyang nasaktan si Althea nang iwan at talikuran niya ito, matapos nitong malaman na nagdadalang tao ang kasintahan. “Sorry Althea but I can’t take the responsibility of being a father to your child. Marami pa akong pangarap na gusto kong matupad.” Iyon ang mga katagang binitawan ni Chino sa kasintahan bago siya tuluyang lumayo, upang tuparin ang kaniyang mga pangarap. Lumipas man ang maraming taon, hindi kailan man nawaglit sa puso’t isip ni Chino ang kaniyang mag-ina. At ngayong isa na siyang matagumpay na piloto, ninais niyang hanapin ang mga ito. Ngunit sadya yatang madamot ang pagkakataon. Sa kabila ng kaniyang paghahanap, hindi pa rin niya natatagpuan ang mga ito. Hanggang sa isang kaibigan ang nakapagsabi kung nasaan ang mga ito. Paano niya ngayon haharapin ang babaeng kahit kailan ay hindi niya nalimot? Mapatawad kaya siya ni Althea, sa kabila nang nagawa niyang kasalanan dito, ilang taon na ang nakalilipas?
like
bc
My Chubby Kind of Love (FREE AND COMPLETE)
Updated at Nov 20, 2021, 20:40
Si Tobby, ang lalaking makulit, mapang-asar, pero sweet na kababata ni Cherry AKA Chubs. Lihim siyang may pagtingin kay Chubs na inalagaan niya ng matagal na panahon. Nangako siyang ipagtatapat ang damdamin sa dalaga, pagdating ng tamang panahon. Ngunit isang trahedya ang magaganap kay Cherry. Magawa pa kayang ipagtapat ni Tobby ang nararamdaman niya para kay Chubs? Paano kung paggising nito ay iba ang makikita niyang kayakap nito? Magkaroon pa kaya siya ng lakas ng loob na magtapat kay Chubs?
like
bc
Bitter-Sweet Cafe 4 (Table 101)
Updated at Aug 30, 2021, 19:00
***Note: This story contain some sexual activities that are not suitable for minors. (Mga bata, huwag babasahin. Kundi palo kayo sa puwet hihihi)*** Isang NBSB si Janice kaya naman hindi niya alam kung ano ang pakiramdam ng ma-in love. Hanggang sa makilala niya si Rusty, isang regular guest sa BSC. Sa tuwing makikita niya ang lalake ay nagsi-circus ang kanyang harot na puso. Sa hindi inaasahang pagkakataon, magkakamabutihan sila nito. Tanggap naman niya ang lahat sa binata pati ang nakaraan nito. Pero paano kung madaig siya ng kanyang insecurities? Lalo na at mayaman ang pamilya ng binata, samantalang isa lang siyang hamak na barista na lumaki sa simpleng pamilya. Mapanindigan kaya niya ang pagmamahal niya para rito? Abangan ang kapana-panabik nilang kwento sa Bitter-Sweet Cafe 4 (Table 101) Janice and Rusty story.
like
bc
Love at Second Chance (COMPLETED)
Updated at Jul 7, 2021, 10:17
Xandrie and Brix were a happy couple. Not until one day, umamin ang binata na may fiance na ito sa Pilipinas at nakatakda na itong ikasal. Parang pinagsakluban ng langit at lupa ang pakiramdam ni Xandrie. Hindi niya lubos maisip na magagawa sa kaniya iyon ng lalakeng pinakamamahal niya. Labis siyang nasaktan sa ginawa nitong iyon sa kaniya. Kung kaya't tuluyan na siyang nakipaghiwalay rito at hindi na muling nakita pa ang binata. Pero paano kung muling magtagpo ang kanilang mga landas? Paano kung sabihin nitong mahal pa rin siya nito makalipas ang maraming taon? Paniwalaan niya kaya ang sinasabi ng binata sa kaniya? Tatanggapin ba niyang muli ito sa buhay niya, kahit alam niyang may posibilidad na masaktan siyang muli? Will she give him another chance?
like
bc
Bitter-Sweet Cafe 1 (When 2 Broken Hearts Meet)
Updated at Jun 29, 2021, 19:00
Dalawang taong nabigo sa pag-ibig, pagtatagpuin ng tadhana. Ngunit paano kung maging hadlang ang kanilang trabaho sa kanilang pag-iibigan? Kayanin kaya nila ang mga pagsubok na hahamon sa kanilang pag-iibigan? may happy ending kayang naghihintay sa kanila? Tunghayan natin ang unang libro ng Bitter-Sweet Cafe (When 2 Broken Hearts Meet) Angie and Aga story.
like
bc
Maid from the Star
Updated at Jun 26, 2021, 18:20
Si Shiny Star, ang pilyang prinsesa ng planetang Sirius na mapapadpad sa planeta ng mga tao, dahil sa pagtakas nito sa sariling planeta kasama ng kaniyang mga tagapangalaga. Taglay niya ang isang ginintuang buhok na kumikinang sa dilim at sumasayaw sa ilalim ng sinag ng buwan. Mapupulot sila ng isang nilalang na magdadala sa kanila sa bahay ng isang mayaman, guwapo, ngunit masungit at woman hater na si Darius Gomez. Magtatrabaho sila kay Darius bilang kasambahay nito, dahil sa pakiusap ng kumupkop sa kanila. Sa kabila ng pagiging woman hater nito, ay napapayag naman ito ng matanda. Maayos at tahimik ang kanilang pamumuhay sa mundo ng mga tao. Maliban na lang sa palagi nilang pagbabangayan ni Darius na mauuwi sa magandang pagtitinginan. Ngunit sa kabila nang pagtitinginang iyon, isang lihim ang hindi maaaring malaman ng binata tungkol sa kanilang pinagmula, at tungkol sa itinatago niyang kapangyarihan. Hanggang sa matunton sila ni Rigel, ang hari ng mga Orion na dahilan ng kanilang pagtakas noon sa kanilang planeta. Bibihagin siya nito upang gamitin sa mga binabalak nito. Magtatagumpay si Rigel, ngunit may panibago silang pagsubok na kahaharapin. Isang nilalang ang bibihag sa kanila ni Rigel matapos nang matagumpay nitongpagsasagawa ng kaniyang plano, upang magamit ang kanilang kapangyarihan. Makatakas kaya sila sa kamay ng nilalang na iyon? Makabalik pa kaya siyang muli sa planeta ng mga tao? Magkita pa kaya silang muli ni Darius? O mananatili na lamang bang bahagi ng kaniyang nakaraan ang masungit na binata?
like
bc
My Childish Love (Ongoing)
Updated at Mar 30, 2021, 19:00
Aso't pusa, this is the most suitable words to decribe Karen and Ian. Paano ba namang hindi? Eh sa araw-araw na lang na ginawa ng Diyos, wala nang ginawa ang dalawa kundi ang magbangayan. Ngunit paano kung ang taong matagal mo nang hinihintay na makitang muli, ay ang tao pa lang palagi mong nakakabangayan? Paano kung malaman mong ang taong minahal mo noon, at ang taong kasalamuha mo ngayon ay iisa lang pala? Magawa mo kayang mahalin pa rin ito sa kabila nang paglilihim nito ng katotohanan sa iyo?
like
bc
Perfect Timing (COMPLETED)
Updated at Aug 31, 2020, 23:45
Adventurous na tao si Maggy, in fact nabansagan nga ito ng kaibigan na nakikipaghabulan kay kamatayan, dahil sa mga trip nitong makapigil hiningang activities. Wala siyang panahon sa love dahil na rin sa klase ng trabahong meron siya. Pangarap kasi niya ang malibot ang buong mundo at huli sa listahan niya ang boys. Kaya naman nang magsawa sa pagliliwaliw, nakisosyo siya ng negosyo sa kaibigan. Nagtayo sila ng sariling travel agency since iyon naman ang forte nila. Hanggang sa makilala niya ang lalakeng magpapatibok ng kaniyang puso. Si Jaspher Villamonte, isang businessman na magiging client nila. Sa unang pagtatama pa lang ng kanilang mga mata ay naramdaman na niya agad si Mr. Spark. Kaya naman gagawin niya ang lahat para lang mapalapit sa binata. Well, hindi naman siya nahirapan at hindi nagtagal nakuha na rin niya ang kaniyang inaasam na pag-ibig nito. Maayos naman sana ang lahat, ngunit biglang may umieksena. Nagbabalik ang ex-fiance nitong nang-iwan dito. Ano na ngayon ang gagawin niya? Paano niya ipaglalaban ang kaniyang pag-ibig para sa binata? Piliin kaya siya nito?
like