kasing dalisay ng tubig sa batis ang pag ibig ko sayo,kay sarap balikan na may ngiti sa labi,ngunit pangarap n lang ang paraisoUpdated at Feb 6, 2021, 15:00
munting kwento ng mga kabataan n minsang nangarap ng paraisong buhay kasama ang kanyang prince charming maaring basahin ng 14 years old teenager's
Cris',tara na! sigaw ni aicy sa kaibigang si cristina
sandali lang sigaw pabalik nito
tara na"akay n cris sa kaibigan
bat ang tagal mo mala late n tayo sa klase mag lalakad pa tayo"tanong sa akin ni aicy
naghahanap pa Kasi ako ng maayos n damit,alam mo namang wala akong puting uniform"sagot ko sa kanya
hayaan mo pag nag ayos si mama ng mga gamit ko sasabihin ko na bigyan ka ng ibang uniform ko"
wag na nakaka hiya na saiyo" sagot ko kay aicy
ano ka ba what are friends are for di ba"maarting sagot niya
ako si maricris alarcon,pangalawa sa apat n magkakapatid kababata at matalik kong kaibigan si aicy gomez nag iisang anak siyang babae sa tatlong magkakapatid, mabait kahit na may kaya sila sa buhay araw araw kaming sabay na pumapasok ay umu uwi sa paaralan
mag kapitbahay lang kami
madalas na nasa bahay nila ako para tumulong sa pag lilinis ng bakuran nila para may pang baon sa klase
mananahi ng mga bag na gawa sa abaca ang mama at trabahador naman sa manukan ang tatay ko
may kaya ang pamilya ng mama ko kaya lang ayaw nila sa tatay ko kaya tinitikis kami ng mga lolo at lola ko ,masaya naman kami kahit na salat sa pera
hindi na madalas umuwi ang ate ko dahil malayo ang maynila sayang daw ang pera pamasahe pampadala na lang kay mama para pang dagdag sa gastos namin
may maliit kaming lupa na tinataniman ng mga gulay at prutas .
maliit pa ang dalawang kapatid ko,may masarap lang kaming pagkain kapag may nanalong manok na panabong sila tatay