Story By Arjhay Tabios
author-avatar

Arjhay Tabios

ABOUTquote
Give me an AK-74, a Geiger Counter, food, water and spare magazines full with 5.45x39 mm ammunition. Don\'t forget to include my notebook and pen, as I am going to write my stories on the wastelands of Pripyat.
bc
All Names are Taken
Updated at Jan 7, 2021, 19:30
Ang taon ay 2045, at ang pangako ng transhumanismo ay kumikinang na parang gintong dumaan sa dila ng apoy. Marami ang nagpasanib at ilang mga bansa ay naghayag na ng suporta sa pagangat ng kanilang mga mamamayan upang maging mga 'SmartHuman', na tinaguriang 'kinabukasan' ng sangkatauhan. Subalit, sa kabila ng ningning ng hinaharap, isang lihim ang sadyang tinatago sa likod ng mga anino at kung sinuman ang makaalam sa kanilang pag-iral, ay tiyak na mapapatay sa paraang madugo - walang makakarinig, walang makakakita, para bang bigla na lang naglaho. Si Samson Fuerte, ang dating miyembro ng Presidential Security Group, ay agad isinalta sa mundo ng Markus Industries bilang Security Head, ang kompanyang tumustos sa pagpapagaling sa kanya, matapos ang ilang buwan niyang pananatili sa ospital. Nakailag man siya kay kamatayan, sinaksakan naman siya ng spec-ops grade na brain chip sa utak nang hindi niya kagustuhan. Gayumpaman, may isa siyang misyon na kailangan tuparin - ang halukayin ang lahat ng mga lihim patungkol sa pag-atake sa Batasang Pambansa. Suportado ni Elisa Haufmann at ng kanyang mga pinagkakatiwalaan, tatahakin niya ang mga pasikot-sikot ng Kamaynilaan hanggang sa maunlad na lungsod ng Tallinn, at kung sinuman ang humadlang sa kanya ay papaslangin para lang makarating siya sa kanyang destinasyon - iyan ay kung makakarating siya nang humihinga at nakatayo.
like