THE BODYGUARDUpdated at May 4, 2025, 15:38
THE BODYGUARD (CHAPTER 1)By: Nickalyn Heart Mariano โ๏ธ๐ธ๐คPROLOGUE:My name is Jake Edward Jones and i'm thirty-five years old at nag iisang anak at taga pag mana ng Jones Corporation's. Bukod sa mga negosyong pinapahawak sakin ng aking mga magulang ay meron rin akong sariling negosyo at hindi lang dito sa bansa kundi maging sa ibang bansa. Kaso kung gaano ako kaseryoso sa mga negosyo ko ay yun naman ang kabaliktaran ko pag dating sa Lovelife. Hindi ako nag tatagal sa isang relasyon, pinaka matagal na siguro ay isang buwan after non iba na naman. Ayaw ko kase na kumakapit sakin ang babae, pansin kong ganon na nga ang nangyayare ay hinihiwalayan ko na agad. In short, ayaw ko ng "Commitment" puro mayayaman rin ang mga babaeng nakakarelasyon ko at yung iba ay pumapayag na lang sa "one night stand" at dahil don ay lagi na lang ako'ng kinakantyawan ng aking mga kaibigan at madalas nilang sabihin sakin na baka karmahin ako pero tinatawanan ko lang sila dahil hindi naman ako naniniwala sa karma.Masisisi ko ba ang sarili ko kung ang mga babae ang kusang lumalapit sakin. Pero nag bago ang lahat simula ng makilala ko ang Bodyguard ko na si Sandro.Hindi ko alam kung ito na ba yung sinasabi ng mga kaibigan kong karma sakin pero bakit sa isang lalake pa? oh! baka naman nababaliw at nasisiraan na ako ng ulo! dahil alam ko sa sarili ko na hindi ako bakla at lalakeng-lalake ako.Natatawa pa sakin ang mga kaibigan ko kung bakit kumuha ako ng bodyguard. Sa height kong 6'5ft at katawan kong alaga sa gym ay wala na daw mag tatangkang kalabanin ako dahil matatakot na daw sakin. Kaso si Dad ang may gusto nito, pumayag na ako'ng may isang bodyguard kesa si dad pa ang mag bigay sakin ng bodyguard at alam kong 5 to 10 ang ibibigay nya at ayaw ko na may bumubuntot sakin, one is enough.Isang umaga pag gising ko ay agad ako'ng bumaba at nag tungo sa kusina at nadatnan ko si Sandro na nag kakape. Napalingon sya sakin at inalok pa ako ng kape sabay tumayo at ipag titimpla nya daw ako pero hindi ako sumagot at tinitigan ko lang sya mula ulo hanggang paa. Napatingin sya sakin na may pag tataka sa mukha, ilang sandali pa ay lumapit ako sa kanya kaya kitang kita ko na kinakabahan sya base na rin sa sunod- sunod na pag lunok nito. Pero mas lalo sya nabigla at hindi nya napag handahan ang sumunod na ginawa ko. Hinapit ko ang baywang nya palapit sakin kaya ramdam na ramdam ko ang panginginig ng mga kamay nya kaya napahawak sya sa kamay ko habang naka titig sakin. nakaawang na ang bibig nya at mag sasalita na sana pero mabilis ko syang hinalikan ng mariin, pumipiglas pa sya nung una pero maya-maya pa ay nakikita kong napapapikit na sya at unti-unti na nyang pinulupot ang kanyang kamay sa batok ko at nararamdaman kong tumutugon na rin sya sa bawat halik na ginagawa ko. Bahagya ko pang ipinasok ang dila ko sa bibig nya dahilan kaya napapaungol na sya ng mahina. Umabot siguro sa isang minuto na ganon lang ang eksena namin ng bigla ko sya'ng itinulak at para sya'ng nahimas masan ng makita ako. Agad naman akong nag lakad paakyat sa kwarto ko at malakas na isinara ang pinto. " Fvck! ano na nangyayare sayo jake! bakla ka ba?" bulalas ko sa sarili. Hindi ko alam pero sa t'uwing nakikita ko si Sandro ay may kung anong init ako'ng nararamdaman sa kalamnan ko oh! baka talagang nababaliw na ako. Dali- dali akong nag tungo sa banyo at nag babad sa ilalim ng shower baka sakaling maibsan ang init na nararamdaman ko kay Sandro.๐ธ๐ธ๐ธ๐ธ๐ธ๐ธ๐ธ๐ธ๐ธ๐ธ๐ธ๐ธ๐ธ๐ธ๐ธ (C H A P T E R 1)SANDRA POV:"Hoy, bumalik ka dito! akala mo uurungan kita" sigaw ko sa lalakeng tumatakbo. "Hindi pa tayo tapos! babalikan kita" bulalas nung lalakeng tumatakbo na bahagya pang hinihimas ang panga na natamaan ng suntok ko. "Excuse me, miss?" bahagya pa akong nagulat sa lalake na nag salita sa may likuran ko kaya humarap ako sa lalake na nag salita at pag harap ko ay para akong naistatwa sa kinatatayuhan ko. Bahagya pang naka awang ang bibig ko sa lalakeng nasa harapan ko at nag salita pa ulit ang lalake kaya don na ako nahimas masan. " A-ay, sorry sir! eto nga ho! pala yung wallet nyo" anas ko sabay abot ng wallet sa lalake. "Salamat miss! pero sana hindi mo na lang hinabol, pano kung may dalang patalim yun at nasaksak