Story By tomas_amylinda_a
author-avatar

tomas_amylinda_a

ABOUTquote
Hi, I am a fulltime administrativse staff working here Quezon City, Philippines. I am a mother of 3 kids, at present, seeking a part-time job. I am actually fun of writing stories in a Filipino version because since when I was in childhood and teenage level, I used to read the pocketbooks, especially the Gilda Olvidado stories. it really inspired me to make some short stories that the readers may enjoy and can learn some situations that might one day may also happen to them too. I tried to make some scripts with my eldest son\'s activity so I decided to continue my skills in writing, to explore, and learn new skills in writing.
bc
Sabay Tayong Maglalakbay
Updated at Dec 4, 2021, 05:46
“SABAY TAYONG MAGLALAKBAY” Sa malaking bahay nila Mr. Guzman Ang bilis ng takbo nyang humahagulgul, hawak ang kamay sa mukha, habang umiiyak patakbong palabas ng gate. Hindi naman ito naka lock at wala ang katiwalang si Mang Leo. “ Ayoko na, lalayas na ako!” sambit ni Troy, habang tumatakbong hindi mawari ang direksyon. Narating nya ang pangalawang kanto sa di kalayuan. Habang palingon-lingon sa kanyang likuran, nadaanan nya ang mga kabahayang dikit-dikit. Maiingay, may mga batang naglalarong pakalat-kalat sa labas, ang iba’y wala pang chinelas at nakahubad pa. Tila di nila pansin ang init ng araw sa labas. May mga nagkakantahan sa tapat ng isang karinderya, at isa ang pumansin sa kanya. “ Hoy bata, bata… san ka galing? Bakit nakatingin ka dito?” sabi ng limang taong gulang na si Samantha, habang nakapamewang. Naka-ponytail ang kanyang buhok at nakasuot ng polka dots na blouse, pero halatang di pa din naliligo dahil mukhang bagong gising at may muta pa sa mata. Alangan man ay lumapit si Troy, bakas ang luha sa mga mata at palingon- lingon sa pinanggalingan. “Pwede bang makiinom? Galing pa ako sa malayo, eh.” “Pwede,” sagot ng bata. Maya-maya’y dumating din si Samantha at inabot ang isang baso ng tubig. “Mukha kang sosyal na mayaman, taga san ka bata? Anong pangalan mo? Lumayas ka ba sa inyo? Mayaman ka, ano?” sunod-sunod nitong tanong habang nakatingin lang sa kanya mula ulo hanggang paa. “Umalis na ako samin, taga dun ako.” sabay turo sa pinanggalingang direksyon. “Wala na akong kakampi dun.” Parang natalo sa laban ang batang mukhang naiiyak na naman. Maya-maya sa di kalayuan “ Asan na si Troy?” natatarantang wika ni Aling Baleng, palinga-linga sa labas ng gate, kasama si Mang Leo, ang katiwala at guard ng malaking bahay nila Mr. Guzman. “Ewan ko sa batang yun, umihi lang ako” nakalabas na.” “Baka narinig nya ang usapan sa loob. Dadalhin na yan sa poder ng nanay nya, ayaw na ng madrasta nyang magbantay sa kanya.” “Kawawa naman ang bata, walang gustong mag-alaga sa kanya.” wika ng ale, habang tila naluluhang naglalakad kasama si Mang Leo. “Baka naligaw na yun.” “Lagot tayo kay Sir pagdating nya mamayang gabi. Punta tayo dun at baka may nakapansin. Doon tayo sa eskwater area… dun sa banda dun”. Sa harapan nila Samantha “Lagot ka bata. Ano ba’ng pangalan mo? Pag inabot ka ng gabi sa daan, maraming aswang. Lalabas daw yun pag gabi na,” sambit ni Samantha habang nakaupo na sila sa gilid ng daan, sa tabing pathway. “Ayoko nang umuwi. Wala dun ngayon papa ko eh. Tita ko lang nandun. Tinago nila lahat ng toys ko,” tila naluluha muling pinupunasan ang mga mata. “Bobo daw ako,” humihikbi uli at parang nagsusumbong sa tunay na kaibigan “Hayun yata, o,” habang tinuturo ang kinaruruonan ng mga batang maiingay. “Ayun o, nakaupo kasama ng batang babae, sya ba yung Leo? Yung naka tshirt ng blue at short?”. Oo nga, sya nga, Hay naku Troy… medyo pasigaw ng papalapit sa mga bata, Biglang napa tingin naman si Troy, “ Lagot ako, nakita na ako dito”. Naku Troy, salamat at nakita ka namin, lagot kami kay papa mo, pag wala ka mamayang gabi”mangiyak iyak na Aling Baleng.” Wag ka ng maglalayas anak, naku, baka mapano ka sa labas, bata ka pa”, habang haplos ang buhok ng bata, “ok lang yun, kakampi mo kami.” “Tayu na anak, uwi na tayu”, hawak-hawak ang kamay ng bata,.”oo nga Troy, di mo kaya sarili mo, makinig ka sa matatanda..”parang batang nangangaral si Samantha. “ Sige, uuwi nako, salamat sayo Samantha ha, lagi akong mamamasyal dito sa inyo ha?”. “Basta friends lang tayu…” at nag appear ng mga kamay ang mga bata. Makalipas ang ilang taon…sa bakuran nila Samantha Ok class, pass the papers.. I will count 1 to 10 and we will check you work after.. sabi ni Samantha, parang isang totoong guro na talaga ito kung umasta sa mga classmates, pinagbantay lang naman si Ms. Gonzales dahil pumunta sandali sa palikuran. “ Bilis naming tumalima ang mga classmates, “ Hay naku, siguradong zero ako nito, ang bilis kasing magbilang ni Madam Samantha” wika ni Ellaine, isang kababata nila sa lugar, “ako perfect” pagmamalaki naman ni Lea. Ok po makinig ang lahat Icheck na natin ang mga papers nyo, at pinamigay din sa mga kasama, “ O hayan na si teacher”, wika ni Samantha, tuwang-tuwa sa parating na teacher nila. “ Tapos napo mga activity namin teacher” wika ni Samantha sa kanilang barangay volunteer teacher pag weekend. Nasa tabing bakuran lang sila nila Samantha sa Ilalim ng Puno ng Acacia, may school set up lang na isang white board, kanya-kanyang dala ng upuan, project ng Christian non government organization ito, pag weekend, nag bibigay ng libreng academic na pag- aral sa mga bata, at itong araw na ito ay Math subject sila, sa mga Grade 5 students ng Barangay Gulod ng Quezon City. “ Salamat Samantha, buti nalang nandyan ka, “ Gusto mo bang maging teacher din Samantha?” Pwede kang pumasok ng scholarship sa University pag college mo?” paliwanag ni Ms.Gonzales, lungkot sa mga mata ng bata,
like