Story By Ms Ann
author-avatar

Ms Ann

bc
Ang Tumakas na Asawa ng Bilyonaryong CEO
Updated at Jan 11, 2024, 20:00
Ikatlong Aklat ng seryeng Lost Loves. Sa loob ng tatlong taon, nagdusa si Sarah sa kapabayaan ng kanyang asawa at sa pang-aabuso ng pamilya nito sa kanya. Ang kanilang kasal ay inayos lamang ng lola nito na si Alicia Razon na isang higante sa mundo ng pagnenegosyo. Sa kabila ng pagiging isang babae, siya ay tumayo sa gitna ng mga tulad nina Augustus Tan at Richard Uy at nakakuha ng parehong takot at paggalang mula sa kanyang mga kasabayan. Si Alicia Razon ay may mata para sa mga tao at personal niyang pinili si Sarah bilang perpektong kapareha para sa kanyang apo na si Lucas Razon, ang kanyang piniling tagapagmana. Inakala ni Sarah na malakas siya para tiisin ang pang-aabuso ng kanyang biyenan at pangungutya ng lipunan ngunit isang gabi ay nabunyag ang matagal na niyang pinaghihinalaang pagtataksil ni Lucas at naiwan si Sarah na lumuluha sa panghihinayang. Inilagay na ni Sarah ang kanyang kapalaran sa kanyang sariling mga kamay. Iniwan niya ito pagkatapos na matiyak ang isang diborsyo at makuha ang kanyang kalayaan. Makalipas ang tatlong taon ay ginugulo pa rin si Lucas sa pag-iisip kung bakit nasira ang kanyang kasal at kung paano nawala sa kanya ang kanyang asawa. Iniisip niya kung malalaman pa ba niya ang katotohanan hanggang sa araw na muling lumitaw ito nang biglaan gaya rin noong umalis ito. Ngunit hindi siya naging handa para sa kanilang muling pagkikita. Ang payak at masunurin na babae na natatandaan niya ay nawala na at napalitan ng isang maganda at mapangahas na babae na kayang akitin kahit ang mga tulad ni Silas Uy. Lingid sa kaalaman ni Lucas ay may sikreto si Sarah. Siya pala ang kilalang manunulat na na si Rosemary Ceniza na nangunguna sa listahan ng mga bestseller taun-taon. At may isa pang sikreto si Sarah...nang iwan siya nito ay hindi ito umalis nang mag-isa... Akala ni Lucas ay handa na siyang harapin ang dating asawa pero paano niya ipapakilala ang sarili sa anak na hindi niya kilala?
like