Reckless And RefinedUpdated at Sep 30, 2024, 18:45
Sa kanyang senior year, si Kylie Maxillon, isang pasaway at rebelde, ay na-transfer sa Rosewood Academy—isang prestigious at exclusive na high school para sa mga elite—matapos siyang makapagtala ng 43 offenses sa dati niyang school. Isang lugar ng mga perfect na reputasyon at mataas na expectations, malayo ito sa gusto ni Kylie. Ang plano niya lang ay makaligtas hanggang graduation nang hindi gaanong nakakaabala.Pero nagulo ang lahat nang mabangga niya si Ace Fronda, ang seryoso, intellectual, at super "englishero" na Student Council President. Si Ace, sa kanyang malamig at displinadong pagkatao, ay tila kabaliktaran ng lahat ng kinakatawan ni Kylie. Sa hindi inaasahang pagkakataon, nagiging bahagi siya ng mundo ni Ace, isang mundo ng lihim, responsibilidad, at mga pressure na hindi lantad sa iba.Mula sa inis, nagiging pagkakaibigan ang samahan nila, hanggang sa unti-unting tumubo ang mas malalim na damdamin. Pero sa gitna ng rebeldeng nakaraan ni Kylie at maayos na hinaharap ni Ace, kakayanin kaya nila ang mga balakid o tuluyan silang mahahatak ng kani-kanilang mundo bago pa umusbong ang pag-ibig?Ito ay kuwento ng dalawang kaluluwang nagtagpo—isang reckless at isang refined—at kung paano nila babaguhin ang isa’t isa sa paraang hindi nila inaasahan.