My Unusual GirlUpdated at May 29, 2024, 16:12
Do you believe in 'love in first sight'? Well, ako hindi...
Nung unang araw na nakita ko kasi si Zhira, 'di ko masabi na love in first sight 'yon. Kasi parang wala lang, yung feeling na normal lang. Yung tipong pakiramdam na nararamdaman mo lang sa mga normal mong nakikitang tao.
Well, speaking of “normal" parang 'di siya normal. Oo, totoo...hindi siya tulad ng mga ordinaryong babae lang na makikita mo sa daan or sa school. Ayy, oo nga pala, usapang school naman tayo. Bale magkapareho kami ng school na pinapasukan. Pareho rin kaming grade-11, at ang mas malala, magka-classmate kami.
She's transferee from other school. Kaya hindi na nakapagtataka na wala s'yang masyadong nakaka-usap. Parang wala s'yang kaibigan.
So, let me describe her. First, she's not beautiful...of course, joke only. Hindi, bale maganda naman talaga dapat siya kung kaya lang n'yang ayusin ang sarili niya. 'Di naman siya marumi, pero ang problema nga lang 'di siya marunong mag-ayos, in short, magdala.
'Di siya tulad ng ibang babae na pala-ayos. 'Di rin siya pala-ngiti. At ang pinaka-malala 'di siya nakikipag-usap or nakikipag-interact sa iba.
Maraming araw ang lumipas at syempre marami na ring nangyari. Mas nakilala ko s'ya. 'Di ko alam kung bakit parang mas interesado ako sakanya kaysa sa ibang babae. Sobrang napaka-mysterious niya kasi. Wala lang nai-ibahan lang ako sa kanya.
Hanggang isang araw, nagising nalang ako na yung sinasabi kong “wala lang" biglang naging “love". Ba't parang na fa-fall ako. Unti-unti akong nai-inlove sa kanya.
But as others said, “walang madali sa mundo” na dapat kailangan mo munang makaranas ng paghihirap at problema bago mo makuha ang gusto mo. Pero bakit para sa'min nasobrahan naman yata?
'Di ako na-inform na may ganitong mangyayari. Hindi ako ako na-inform na gano'n-gano'n lang ang mangyayari.
Until may isang naka-abang na pagsubok para sa akin. Ayy, hindi para sa amin. Kase kaming dalawa ang lulutas.
Makakaya kaya namin? Ano kayang mangyayari kung nag-fail kami? May another chance pa kaya? Or wala na.
Ano kaya ang mga magiging consequences 'pag hindi namin ito napag-tagumpayan??
( •Well, hello mga ka-readers, ito nga pala ang bagong story na tiyak na makapag-bibigay kilig, excitement, at saya para sa inyo. Pero ang worst ay maka-pagbibigay rin ito ng problematic feelings sa inyo. But stay tuned, dahil hindi-hindi ko kayo bi-bigoin. I'll do my best to complete this story. And I'll make sure na marami kayong mga kapu-pulotang aral na maaaring makatutulong sa inyo to improve more your self. Advance thank you to those who can read this!!💛Maraming salamat po!)