Story By Yeosong Saga
author-avatar

Yeosong Saga

ABOUTquote
Soon to be a good writer !!! Please support my stories I will do my best to prove my talent ! Thank you
bc
"MY MAID"
Updated at Jan 2, 2023, 07:35
Title: "MY MAID" Genre: RANDOM Author: Dancute021 CHAPTER ONE: Hi, Ako nga pala si KYLIE NICOLE TRINIDAD I'm 20yearsold , 4th highschool lang ang natapos ko dahil narin sa kahirapan ng pamilya. May kuya ako si KYLE NIGEL TRINIDAD. Ang mama naman namin ay si KAREN TRINIDAD hindi ko na ipapakilala ang walang hiya kung Ama na nakapit bahay na nung mga bata palang kami. Lumaki kami ng kuya ko sa province ng mama namin sa TACLOBAN CITY , Ang kuya ko grade6 palang nahinto na sa pag aaral dahil gusto na nya tumulong kay mama , ako ang pinilit nyang makapag tapos kahit sekondarya lang at nagawa naman nya yun . Nag ipon sya habang highschool palang ako para makapag college ako oh diba ang bait ng kuya ko , Ang kaso lang sa hindi inaasahang pangyayare nadisgrasya si mama , kailangan gamitin ang perang naipon ni kuya para makabili ng gamot at bayarin sa hospital ni mama . Bumulusok lahat ng problema ng madisgrasya si mama , yung tipong paglilinis ng sasakyan ng mga mayayaman nagawa ko naglinis ng sapatos nila , namulot ng basura halos lahat yata e hayss! Kaya napag isip isip ko ng lumuwas ng maynila para makatulong sa mga bayarin namin . Pagabi na ng dumating ang kuya ko kaya minabuti kung kausapin sya. "kuya, pwede ba kita makausap" bungad ko sa kanya , sabay upo naman nya sa tabi halatang pagod galing trabaho "sige leng ano ba yun?" tanong nito "balak ko sana lumuwas pa maynila kuya, para mag trabaho" wika ko habang nakayuko, tiyak na magagalit sya "hindi " malamig nyan tono "pero kuya" pagmamatigas ko "pag sinabi kung hindi, hindi. Tsaka leng pag aaralin pa kita magtatapos ka" wika nito "pero kuya, alam kung pagod kana kaya gusto kitang tulungan " tugong ko, na my halong pangamba sa kung anong isasagot nya "leng, oo pagod nako pero hindi ako pwedeng mapagod para sa inyo ni mama, alam mo dapat hindi natin nararanasan to e kung may isang tatay na nandito para satin pero wala e!" nagulat ako sa mga sinambit kuya , at tuluyan tumulo ang luha sa mga mata nya, "kaya nga kuya e mag tiwala ka sakin kuya, " wika ko na may halong iyak narin "pero leng anong alam mo sa maynila , magulo bka mapano ka pa" pag aalalang wika ni kuya. "hindi kuya, hnda nako kung ano ang sasalubong sakin sa maynila , tsaka nagtanong nadin ako sa mga taga dito na nakarating sa maynila , ang sabi nila basta hindi ako manggulo doon hindi nman ako nila sasaktan" wika ko , na sanay pumayag na si kuya. "sige, pero paano si mama alam na ba nya?"
like