Since Dreame is asking for my Bio. So here it is;
I am a Writer a freelance writer. I write for a Pub. House. That\'s right, I\'m also a Proof Reader.
If you found my story, clichè. Do not blame me haha **just kidding** I write because it\'s my passion.
I am 24 years old, sometimes I do modelling too. If I do have time I write, and I collaborate with other writers too. We share our thoughts and ideas.
And now, I currently working on my first Dreame Story. The Desirous Men Book 1: Love and Thorns.
Please support the story. Thank you so much. Hugs and Loves from yours truly, Jabella.
"Sadness flies away on the wings of time..."
Ang akala ni Anna Marie Manalo, kailanman ay hindi na muling magtatagpo ang landas ng lalaking una niyang minahal. Si Diego Barrueco, ngunit binigo at sakit lamang ang dulot nito sa kaniya. At higit sa lahat ang mga kasinungalingan nito. Na labis na nagdulot ng galit sa kaniyang puso.
Ngunit, sadyang mapagbiro ang kapalaran. Dahil hinamon siya ng kaniyang boyfriend, si Khalil Hermano na harapin ang tinakasan nitong nakaraan, sa pamamagitan lamang nito makakalaya ang dalaga sa nakaraan nitong pilit na kinakalimutan. At magkakaroon ng katahimikan ang kanilang relasyon.
Nakumbinsi si Anna at bumalik siya kay Diego, para sa proper closure at sa utang na loob niya rito.
Pero sa pagbabalik niya, hindi nagbago ang init ng pagmamahal niya sa unang lalaking inibig. Sa kaniyang pagpayag ay, napatunayan niyang isang pagkakamali ang bumalik muli sa lugar ng binata. Kailanman hindi ito nagwaglit sa kaniyang isipan. Kaya pa rin nitong buhayin ang init ng kaniyang katawan.
Isang tingin pa lamang ng lalaki sa kaniya ay para ng nagwawala ang kaniyang pagkatao at sistema. At higit sa lahat, ang kaniyang puso.
Pero hanggang kailan niya itatago at kakayanin na sa bawat paghawak at dampi ng mga palad nito ay binubuhay nito ang kaniyang pagnanasa.
"...sa ayaw at sa gusto mo, akin ka Anna. Akin ka muli at akin lamang..."
Is it Love? Obsession or Infatuation..?
Bata pa lang si Sophia Reyes pangarap niya na ang lalaking laman ng kaniyang pantasya. Si Andrew Santillan, ang kaso hindi siya ang gusto nito ang masakit pa, ang babaeng gusto nito ay ang kaniyang kapatid, hindi lang basta kapatid. Ang kaniyang kakambal na si Olivia.
Doon napagtanto ni Sophia na gusto rin ito ng kaniyang kakambal, indenial lang. Dahil sa mahal niya ang kakambal at mas pinili niya ang kaligayahan ng lalaki, pinili niya ang dumistansya para sa dalawa. Sacrifice. She chooce to sacrifice her love, her happiness for the both of them. She choose not to fight for the man she love. Dahil ang alam niya, yun ang nararapat. Dahil paano niya ipapag lalaban ang sariling pag-ibig kung una pa lamang hindi siya ang tinitibok ng puso ni Andrew.
Ang hindi alam ni Sophia, may taong lihim na nagmamahal sa kaniya. Hanggang sa nakilala niya ang lalaking kapatid na mortal na kaaway ng kaniyang bestfriend. Si Juaquìn Barrueco, misteryuso ito. Malamig pa sa iceberg ang pakiki-tungo at puno ng lihim. Isang Navy seal ang binata. 9 years ang tanda nito sa kaniya.
(May kadugtong)