Good day everyone,
It\'s an honor to be here today as an author and have the opportunity to share a bit about myself and my work with you all. My name is Margaux and I\'m a BL/Yaoi/Manga writer.
Ever since I was a child, I\'ve always been an avid reader and had a passion for storytelling. As I grew older, this love for literature evolved into a desire to create my own stories and share them with the world. After many years of hard work and dedication, I\'m proud to say that I\'m now a published author with approximately 100+ books under my belt.
My writing style is not professionally but can make my audience relate to my stories and I often draw inspiration from watching BL anime series,and reading Mangas/Yaoi Books,etc.. My goal as an author is to inspire and educate people for having importance of BL/Yaoi as inspirational aspects for life . I believe that books have the power to transport readers to new worlds, introduce them to new ideas, and help them better understand the human experience.
In my books, I strive to create compelling characters, intricate plots, and vivid settings that will keep readers engaged from beginning to end. I believe that every story has the potential to make a difference in someone\'s life and I feel incredibly lucky to be able to share my own stories with others.
I hope that my work will resonate with you and that you\'ll be inspired to delve into my books and see the world through my characters\' eyes. Thank you for the opportunity to speak to you all today and I look forward to getting to know you better.
Title: Sa aking pinakamasama
Genre: Supernatural/Fantasy
By: Margaux Reign
.
Ang kwentong ito ay kathang isip lamang. Anumang pagkakatulad o pagkaka hawig sa ibang kwento ay nagkataon lamang. May kasunod din po itong typo at grammatical error kaya advance sorry po agad thank you.
.
Chapter 1
.
"Bunny sandali lang! Wag mo naman akong takbuhan o, pakakainin lang naman kita eh!"
.
Sigaw ko habang hinahabol ang isang kunehong nakita kong nanginginain ng damo sa gilid ng gubat malapit sa bahay ng aking tyahin.
.
Namataan ko ito habang abala ako sa pag hahanap ng mga panggatong para sana sa iluluto kong tinolang manok. Naubos na kasi ang kahoy na naimbak ng aking tyuhin kaya nag pasya na akong mag hanap ng mga tuyong kahoy sa aming likod bahay. Subalit habang namumulot ako ng kahoy ay napansin kong mas madaming naka kalat na tuyong sanga sa loob ng gubat kaya doon ko nalang napag pasyahang mag hanap. May kadiliman ang lugar subalit nahihiya naman akong utusan ang pinsan kong si kuya gun dahil abala din ito sa pagpapakain ng mga alaga niyang manok.
.
"Sandali lang naman ako...marahil, hindi naman siguro nila ako hahanapin."
.
Bulong ko saka tinutunton ang daan papasok sa madilim na kagubatan. Wala kang ibang ingay na maririnig sa loob kundi mga huni ng mga ibon at tunog na matinis ng mga kuliglig na nagkalat sa kapaligiran. Pakiramdam ko tuloy parang may nagmamasid sa akin at hindi ko mabatid kung saan.
.
Nakadama ako ng kilabot. Subalit mas lalo pang nagtaasan ang aking mga balahibo ng makarinig ako ng kakaibang kaluskos buhat sa mga tuyong dahon na nakakalat sa paligid. Sa patuloy kong pag lalakad, bumungad sa akin ang isang kunehong nanginginain sa gitna ng malawak na damuhan. Napawi nito ang takot na nadama ko dahil ito ang kauna-unahang beses na nakakita ako ng kuneho sa malapitan. Madalas napapanuod ko lang sila sa tv o nakikita sa mga libro kaya nakadama ako ng tuwa ng makaharap ko ito ng personal.
.
"Tinakot mo ako bunny, ikaw ba yung sumusunod sa'kin kanina?" Tanong ko sa mabalahibong hayop habang nilalapit sa kanya ang carrots na nakita ko sa bandang daan. May tao atang sadyang nag tanim ng mga carrots sa gubat dahil maayos itong nakahilera sa gilid ng daanan. Hindi naman siguro kabawasan kung kukuha ako ng isa hindi ba? Ipapakain ko lang naman ito sa kuneho at hindi ko naman iuuwi sa bahay. Subalit mukhang suplado ang kunehong nakita ko dahil hindi man lang niya binigyang pansin ang inaabot ko sa kanya.
Napasimangot ako. "Ayaw mo ba to? Hindi ba ito naman ang paborito niyo?"
.
Malambing kong bigkas habang winawagayway sa harap niya ang carrots subalit imbes na pansinin ako ay tinalikuran ako nito iniwasan.
"Napaka supladong kuneho naman nito!" Pag-aalburuto ko. Muli ay nag tangka akong lapitan siya para mas lalo niyang mapansin ang hawak ko kaya ng dahil doon ay kumaripas ito ng takbo palayo na parang nagulat sa pag lapit ko.
.
Muli akong napasimangot at may panghihinayang na napatingin sa carrots na hawak ko. "Sayang naman ito kung hindi makakain."
Imbes na bumalik sa bahay ay muli kong sinundan ang kunehong pumasok sa madilim at masukal na kagubatan.
.
Sa kakahabol ko, hindi ko na napansing napapalayo na pala ako. Sandali akong natigilan at lumingon sa pinanggalingan ko kanina lang. Nakaramdam ako ng labis na panlulumo habang iniikot ang paningin. Wala na kasi akong bakas na daanan na makita sa paligid. Ang daanan na tinakbuhan ko kanina ay nag mistulan ng isang masukal na damuhan at napapalibutan na lamang ng mga nagtataasang mga puno.
.
"Anong ng gagawin ko ngayon, naliligaw na ata ako." Bulalas ko habang palinga-linga sa paligid. Dala pa ng katahimikan sa lugar kaya nakadama na din ako ng paninindig at pananayo ng balahibo.
.
"Pano na yan? Hindi ko pa naman kabisado ang lugar na to, ano ng gagawin ko ngayon?"
Nag-aalalang bulong ko habang sinisimulang maglakad lakad. Masukal ang gubat kaya sigurado akong maraming nagkalat na mababangis na hayop dito. Tanging ang patpat lang na hawak ko ngayon ang tanging panlaban ko sa kanila.
.
"Sana naman lord wala kang palabasin na kahit isa man lang sa kanila!" Umusal ako ng dasal habang hinahawi ang mga nag tataasang damo na humaharang sa daraanan ko.
.
"Sana hindi pa napapansin nila tiya at tiyo na nawawala ako, pag nagkataong mapansin nila baka magalit sila sakin at palayasin ako! Wag naman sana!" Kinakabahang bulong ko.
.
Sila nalang kasi ang tanging mayroon ako ngayon. Mag-isa nalang ako simula ng pumanaw ang aking ina. Iginupo siya ng malubhang karamdaman kaya tuluyan ng bumigay ang kanyang katawan. Meron pa naman akong ama at nakatatandang kapatid subalit hindi ko naman alam ang eksaktong kinaroroonan nila dahil simula ng pinanganak ako hindi ko naman nakita ang kanilang wangis. Bukod kila tiya Sally wala na akong kilalang kamag anak na mapupuntahan. Kaya bago pa mahuli ang lahat kaylangan ko talagang makalabas sa gubat na to.
.
Sa gitna ng aking pagmumuni- muni ay nakakita ako ng mataas at matayog na punong nakatayo sa aking harapan. "Tama!"
Tittle: My Lover And I (MxM)
Author: Margaux Reign
Genre: BL, Romance, Mpreg
Stev pov
"Mommy" sabi nung batang babae at tumakbo papalapit saakin.
Niyakap nya ako sa legs ko at tumingin sa akin na may luha. Pinahiran ko naman yun at i kneeled in front of her.
"Bakit ka lumuluha? At bakit mo ako tinatawag na mommy baby eh wala pa ako anak at mas lalong hindi ako girl" Mahinahon na pagkasabi ko sakanya
"From now on you're my mommy na" ang sabi nya na ikinagulat ko
"Look baby girl, I'm a boy and i can't be your mom, okay? " - mahinahon at malambing ko na sabi sakanya.
"So what if you're a boy? One of my classmate's have a two dads"- Bata
Maya maya ay may isang men in black suit na papalapit sa amin at kinuha yung bata. Wait kinuha yung bata! Hoi yung bata!
"Hoi ikaw ano gagawin mo sa bata ha!" singhal ko dun sa lalaki
"Sir kukunin ko na po si young lady alexandra, uuwi na daw po kami sabi ni Master" sabi nung lalaki
Napatingin ako sa bata na si alexandra kuno? at young lady? mayaman ang pamilya neto.
"Bata, uwi na daw kayo sabi ng bodyguard mo" ngiti kung sabi kay alexandra
"No! I want mommy! I want my mommy" umiiyak na sigaw nya. Nagulat pa ang naka men in black na lalaki at nabawi naman nya ang pagkagulat. Binaliwala ko nalang at tiningnan ang bata.
Kaya ang ginawa ko binalibag ko sya di biro lang. Ang ginawa ko ay pinat ko ang ulo nya at sinabing....
"huwag na pasaway mamaya magagalit daddy mo" sabi ko sakanya
"Mommy no.... I want you to come with me" Mahina't malungkot na saad nya
"Okay, let's have a deal" sabi ko
"What is it po? "- alexa Sabi kasi ng bodyguard alexandra eh kaya alexa for short nalang
"Tomorrow magkita tayo sa dito sa palaruan" Ngiting sabi ko
Lumiwanag ang mukha nya at tumingin sakin
"Okay po mommy"-alexa
"But first magpakabait ka muna at sumama na sa bodyguard mo at umuwi na kasi nag aalala na ang dad mo, okay?"-ako
She nodded. Naglakad na sya papuntang black na sasakyan tapos tumingin ulit sya sakin. She smiled and waving at me. So i waved back.
'Bye-bye mommy see you tommorow' she mouthed.
I nodded. Buti nalang at sunday bukas wala ako pasok at day off ko bukas....
*sigh*
To be continued