Story By Missty
author-avatar

Missty

ABOUTquote
Please follow me for more stories to be published soon..
bc
The Arranged Marriage
Updated at Sep 9, 2025, 17:25
Umuwi si Ana ng Pilipinas dahil sa trahedyang nangyari sa kanyang mga magulang na siyang magpapabago ng buhay na nakasanayan niya.Lumaki at nag aral si Ana marie Fuentes sa America.Pinalipat siya ng kanyang mga magulang sa ibang bansa ng mag umpisa itong mag aral ng secondarya. Lumaki siya sa mayamang pamilya at kahit kailan ay hindi niya naranasang magkaproblema sa ano mang bagay. Pero sa kabila ng pagiging mayaman nila ay hindi siya ang tipo ng anak mayaman na maluho at sunod sa lahat ng uso.Simple lamang siya at kahit kailan hindi niya inisip na isa siyang taga pagmana. Dumating ang araw na hindi niya inaasahan,nawala ang pinakamamahal niyang mga magulang at naiwan siyang mag isa na lamang at hindi lang doon,nawala din lahat ang kanilang kayamanan.. Kahit pa simpleng dalaga lamang si Ana ay hindi niya naranasang maghirap o magtrabaho para magkapera kaya napalaking pagsubok ito sa para sa kanya.. Hanggang sa nakilala niya ang lalaking kailanman ay hindi niya inakalang magiging asawa pala niya.. Si Luke o Lucas Fuentebella ll..Isang playboy,arogante at moody.Ganyan ang pagkilala ni Ana kay Luke. Kahit hindi sigurado ay nagpakasal si Ana dito. Para kay Ana ito nalang ang huling baraha niya,hindi niya kayang mamuhay na mag isa at walang wala kaya wala siyang choice kundi tanggapin ang inalok ng Kaibigan ng kanyang Ama.Ang pakasalan ang unico hijo nito na si Luke.. Nagsama sila bilang mag asawa pero para kay Ana ay sa papel lamang ito at yun din ang akala niya na nararamdaman ni Luke. Pero lingid sa kaalaman ni Ana na may pagtingin pala sa kanya si Luke mula nung makita siya nito kaya umuo ito nang sabihin ng kanyang ama na pakasalan siya. Kabaliktaran naman ang nararamdaman ni Ana dito dahil sa una palang na makita niya ito ay nagpakita na ito ng pagka arogante at pagkamoody.Inakala ni Ana na kailanman ay hindi niya mamahalin ang lalaking ito kahit gaano pa ito kagwapo. Pero iba ang nangyari dahil unti unting nahulog ang loob nito sa kanya.. Minahal niya ang lalaking ipinakasal sa kanya..
like
bc
The Bittersweet Affair
Updated at Aug 27, 2025, 06:12
17 pa lamang si Jasmin Castillo nang magpasya itong pumunta ng maynila at magtrabaho para matulungan ang kanyang ina na may sakit sa puso..mahirap man ay iniwan niyang mag isa ang kanyang ina sa probinsya dahil ito lamang ang alam niyang paraan para may pantustos siya sa gamot ng kanyang ina. Dala ang pangamba sa dibdib ni Jasmin na baka mapahamak siya sa pagpunta ng siyudad at nagpatuloy parin ito.. Hindi naman ito nabigo at agad nakahanap ng trabaho sa isang malaking bahay bilang isang katulong..Iyun lang ang alam niyang madali para sa kanya sa ngayon dahil hindi pa ito nakakapag tapos ng pag aaral at alam niyang mahirap makahanap ang isang katulad niya ng maayos na trabaho.. Laking pasasalamat na lamang ni Jasmin dahil mabuti ang mga taong napasukan niya..Isang pamilya na kilala sa lungsod at may mga malalaking kumpanya sa Pilipinas pati sa rin abroad. Ngunit hindi inakala ni jasmin na doon mababago ang buhay niya.Ilang araw pa lamang siya sa mansiyon ng mga Del Valle ng makilala niya ang nag iisang anak ng mga ito..Nasa mid 20's na ang edad nito sa tingin ni Jasmin.Napakagwapo nito matipuno ang pangangatawan at ang tangkad nito.Parang lagi itong nag gygym dahil malalaki ang mga braso. Ito si Liam Del Valle,ang nag iisang taga pagmana ng mga Del Valle at CEO ng kanilang mga kumpanya.. Hindi mapigilan ni Jasmin ang mapahanga sa kay Liam pero para sa kanya si Liam ay isang pangarap lamang na hinding hindi kailanman magkakagusto sa kanya.. Pero sa hindi inaasahan,lihim din siyang minamahal ng ni Liam kahit pa alam nito na malaki ang kanilang agwat. Pinigilan ni Liam ang kanyang naramdaman dto dahil alam niyang menor de edad pa ito subalit ilang buwan lamang ay naging disi otso na si Jasmin at hindi na mapigilan ni Liam ang damdamin sa dalaga.. Ibang iba ang nararamdaman niya kay Jasmin kumpara sa ibang babaeng nakilala niya..napaka special nito para sa kanya.. Hanggang sa tuluyan niyang nakuha si jasmin.. Siya pa lamang ang unang lalaki sa buhay ni Jasmin kaya naman lalong nahulog ang loob nito sa kanya.. Napamahal si Jasmin sa anak ng mga amo niya at parang hindi na niya kayang mawala pa ito sa kanya kaya kahit nasasaktan si Jasmin dahil sa patago nilang relasyon ay nagsasakripisyo siya.. Ilang beses na siyang nagpa angkin kay Liam kaya lalong lumalalim ang pagmamahal nito sa kanya.. Pinag aral siya ng mga magulang nito sa isang kilalang unibersidad pero walang idea ang mga ito sa kanilang relasyon pero hindi inakala ni Jasmin na dito na magsisimula ang kalbaryo ng kanyang buhay hanggang sa tuluyan nang nawalan ng tiwala si Liam sa kanya at pinagtabuyan siyang parang aso sa kanilang bahay.. Parang hayop na itinaboy sa kalsada dahil lamang sa maling akala ni Liam. Nilisan muli ni Jasmin ang maynila at umuwi sa kanyang ina dala ang bigat sa kanyang dibdib at ang batang nasa sinapupunan niya.. Hindi man lamang nito nasabi kay Liam ang tungkol sa magiging anak nila.. Ito na lamang ang siyang naging dahilan para magpatuloy si Jasmin sa buhay..Pagkatapos nitong manganak ay nagpatuloy ito sa pag aaral .Pinagsabay nito ang pag aaral at pagtratrabaho para mabubay ang knyang mga anak..Oo kambal ang naging bunga ng pagmamahalan nila ni Liam. Nakapagtapos si Jasmin ng pag aaral at naging isang arquitect.. Ilang taon narin ang lumipas at hindi na umaasa pa si Jasmin na magkikita pa sila ni Liam sadyang mapaglaro ang tadhana. Nagkitang muli ang dalawa at hindi niya inaasahan ang mga sinabi ni Liam sa kanya.. Mahal parin siya ni Liam at hinanap siya. Ayaw nang maniwala ni Jasmin dito pero hindi parin mapigilan ang bugso ng kanyang damdamin..Hanggang ngayon ito parin ang lalaking pinakamamahal niya.. Nalaman ni Liam ang sikretong tinatago niya at dinala ulit sila maynila..Kahit hindi parin nawawala ang sakit sa bidbid ni Jasmin dahil sa ginawa ni Liam ay sumama na lamang sila dito para na lamang sa mga bata..Hindi parin nawawala ang pagmamahal sa pagitan nila at umaasa silang magiging maayos din ang lahat para sa kanilang pamilya..
like