MAHAL PAALAMUpdated at Dec 8, 2022, 19:34
“Mahal mo ba ako?”
Yan ang tanong mo sa akin,
at sinagot kita…
“Mahal na mahal kita.”
Sinalo ko ang mga luha mo
sabay tanong sa’yo…
“Ako? Mahal mo pa ba ako?”
Sampung segundo.
Sampung segundong katahimikan.
Sampung segundong huminto ang mundo ko.
Hanggang sa unti-unting dinala sa tenga ko ang sagot mo…
“Mahal pa ba kita? Kahit masakit na?”
Pwede mo naman sanang sagutin ng “oo” o “hindi” pero pinili mong idaan sa tanong na ikaw lang ang makakasagot.
Pwedeng hindi mo na ako mahal, dahil may mga tanong ka na sa isip mo.
Paano ko ba paghahandaan ang panahong sasabihin mo nalang sa akin na…
“Hanggang dito nalang…”