Story By Dreamer Gail.Ph
author-avatar

Dreamer Gail.Ph

ABOUTquote
Écrivain passionné
bc
Chasing High School
Updated at Dec 3, 2025, 23:53
"Sa wakas! Nahanap ko rin ang account mo! Kamusta ka na?" Tila huminto pasumandali ang mundo ni Gela ng mabasa ang tatlong linyang iyon sa message requests sa kanyang messenger. A-beinte kwatro ngayon ng Disyemembre 2024, at nagpapatay siya ng oras habang hinihintay ang noche buena. Alas singko pa lamang ng hapon at tapos na ang lahat ng kanilang lutuin. Naalala niya bigla ang heartthrob noong high school at kaklase niya na si Gab. Aaminin siya na in her wildest dream, never niyang inasahan na makakatanggap ng mensahe mula rito. Especially not now after twelve years kung kailan feeling niya ay lipas na siya sa lahat ng infatuations ng panahong iyon. Infatuations niya dito. Pero heto at parang gusto niyang tumili sa kilig. Sign ba ito na baka may chance ang high school puppy love niya?
like