"I will love you eternally. I will be eternally yours and I hope you would too."
Chastity was a fixer. Sa tuwing may problema ang pamilya niya, mga kaibigan o kung sino man na mahal niya at malapit sa kanya ay ginagawan niya lahat ng paraan. Hindi niya magawa na huwag pansinin ang mga taong nangangailangan ng tulong. Isang araw, may tinulungan siyang isang lasing na lalaki, si Uno, at ito na pala ang makakapagpabago ng prinsipyo niya. Hindi pala lahat humihingi o tumatanggap ng tulong. Dahil may mga tao na pinipiling makulong sa isang alaala kaysa makalimot. Pambihira. Bakit parang biglang naging malungkot ang buhay niya?
"Falling in love is easy. So, fall freely into me. Hindi naman ako magrereklamo."
Kung may tao man na ipinaglihi sa kulit at kapal ng mukha ay si Byron na ang living proof. Nasisiguro iyon ni Cielo sapagkat wala na itong ibang ginawa kundi ang kulitin at pagtripan siya. Kung siya lang ang masusunod ay nais na niya itong itapon sa bangin. Minsan siyang tinanong ni Byron kung may gusto raw ba siya rito at talaga namang nagulo ang sistema niya. Bakit parang gusto niyang sumagot ng 'Oo'?