-Mediocre Author
-Stories are all free. Kaya ko-konyatan ko kung sinong magpakalat ng softcopy nito ha. Abangan ko kayo sa kanto ng barangay niyo eh. Charot!
I can sue you. (Wow? Sue ba talaga \'yun?)
I am 4the_blg3, chasing_dreams and Rence.
Si T.H ang lalaking gustong patunayan ang sarili lalo na ang halaga niya sa kanyang pamilya. Kailangan niyang makipagkumpitensya para sa intensyon ng kanyang Ama at maging katanggap-tanggap na anak ng kanyang Ina. Kaya niyang isakripisyo ang lahat para sa ngalan ng kanyang apelyidong dinadala. Ngunit hanggang saan ang sakripisyong ito, kung ang kapalit nito ay mawala ang taong matagal niya ng minamahal?
A House With Heartthrobs / Heartthrobs In One Roof Book 2
Coming Soon...
Si Yara Isabelle Ruiz ay isang ballet dancer habang ang kakambal niyang si Yohan ay isang bastketball player. Nang may nangyari sa kanilang dalawa ay bumaligtad ang kanilang mundo.Hindi na muling nakapag-perform si Yara bilang dancer dahil sa kahihiyan habang ang kakambal niyang si Yohan ay injured dahil sa aksidente.Upang matupad ang pangarap ng kapatid niya at magtago sa kahihiyan ay gumawa siya ng malaking desisyon. Siya ang nagpatuloy sa pangarap ng kakambal niya ngunit hanggang kailan niya kayang gawin ito?Kung mismong ang puso niya ang maaaring maglaglag sa sarili nilang kapamahakan?
Ang malamig na simoy ng hangin tuwing gabi ay nagpapaalala sa iyo sa akin. Ang nakakubling sikreto sa dilim ay hindi madaling pakawalan. Maaaring sa pagmulat mo ay hindi mo na ako kilala.
Ang nobelang parte ng "Heartthrob Series".
Samahan si Wyndery Roshan sa kanyang kwentong pag-ibig.
Si Kaoree Rogen ay simple lamang babae hangad niyang makatapos nang pag-aaral ngunit sa kasamang-palad ay may nangyari hindi inaasahan.
Dahil rito tinulungan siya nang kanyang matalik na kaibigan, si Jez. Si Jez na naninirahan kasama ang apat na lalaki. Nirekomendahan niyang magtrabaho at paglingkuran ang mga lalaking ito.
Ano kayang mangyayari sa buhay ni Kaoree sa kasama ang limang lalaki sa iisang bubong?
Magiging masaya at mapayapa pa rin kaya ang buhay niya?
Mas magiging masaklap kaya ito?
Mas giginhawa ang kanyang buhay?
Si Rosalita ay isang estudyante na mahilig dumalo sa sayawan sa plaza na ginaganap tuwing gabi ng Sabado. Dahil sa pagdalo niya, nakilala niya ang isang misteryoso at gwapong si Karlos.
Madalas silang magkita sa batis ngunit bigla nalamang nag-iba ang mundo ni Rowena na kung saan hindi niya kilala ang mga taong nasa paligid niya at ang tanging kilala niya lang ay ang kanyang Ina.
Ano nga bang nangyari sa kanya? Saan nga ba siya napadpad at nasaan na nga ba si Karlos?
Tunghayan ang maikling kwento nina Rowena at Karlos na pinamagatang sa "Sa Saliw Ng Kanta."
Si Pilley Perouze Roshan, isang sikat na artista. Kaisa-isang anak ng gobernador ng kanilang bayan na si Don Emilio Roshan at ni Donya Leonora Roshan na dating sikat na aktres.
Masasabing mayaman sila dahil bukod sa dating artista ang kanyang ina at gobernador ang kanyang ama ay marami silang lupang sakahan na ang iba ay kino-kombertido upang maging subdibisyon.
Ngunit may hindi alam si Piper kung paanong natamasa nila ang gantong karangyaan. Papayag ba siyang ipagpalit ang kanyang karangyaan upang makamit ang tunay nitong pag ibig? Makakaya niya bang ipaglaban ang pag ibig na magkukubli sa nakatagong katotohanan? O, titiisin niya na lamang ito alang-ala sa mabangong pangalan ng kanyang pamilya? Mananahimik na lamang siya para ikakabuti ng kanyang pinakamamahal ngunit ang kapalit nito ay ang patuloy na paghihirap ng nakakarami?
Ano nga ba ang dapat niyang gawin? Sundin ang prinsipyo ng kanyang pamilya o sundin ang sariling prinsipyo niya at ang kanyang puso?
Completed na po ito. Hindi ko lang maapply sa completed stories.