Story By krung2xme
author-avatar

krung2xme

bc
MY CHILDHOOD CRUSH
Updated at Nov 13, 2020, 22:33
Masipag, maalalahanin at higit sa lahat ay mapagmahal sa pamilya, ganyan lumaki si Stephanie Soler. Isang teenager na handang makipagsapalaran sa hamon ng buhay sa lahat ng marangal na paraan makaahon lang sa kahirapan. "Bakit ba ang sakit ng tiyan ko?" ano bang kinain ko kanina? Pag-iisip nya habang hindi mapakali sa sakit na nararamdaman. Ng maramdaman nyang parang biglang hinalukay ang kanyang tiyan, dagli syang tumayo at tumakbo patungo sa cr ng campus ng biglang "Ouch!!!! ano kaba? bulag ka ba?" (sya si Andrew Blake, sikat sa campus nila, bihira umimik laging seryoso pero napakagwapo. Pero hindi ko sya pinansin dahil nagmamadali akong makapasok sa cr dahil sa nagaalma kong tiyan) Sino ba ang babae na yun, napakacareless at hindi manlang lumingon at humingi ng sorry matapos makabangga ng kasalubong. Tiim bagang na tinanaw ni Andrew ang tumatakbo na babaeng nakabangga sa kanya sa hallway ng campus na sa tantsa nya ay patungo sa girls restroom, sana hindi tayo muling magpangita sa isip-isip ni andrew habang tumalikod na at patuloy na naglakad papunta sa kasunod nyang klase. Mabait si Andrew at gwapo, hindi nga lang ito palakaibigan, kuntento na ito sa 3 nyang kaibigan na sila Vince, Kyle at Sam na sa kasalukuyan ay malayo sa kanya dahil sa manila nag-aral ang mga ito at tuwing bakasyon lang sila nagpapangita o deli kaya ay pag sembreak.
like