First time ko lang po gumawa ng kwento and sana suportahan nyo po ako. Minsan ko na rin naging hilig ito pero ngayon ko lang itinutuloy a
na i publish. gusto ko lang din subukan. Minsan gusto ko lang ma relax sa pagsusulat.
Nakakatuwa talaga silang tignan, ang saya saya ng mga bata lalong lalo na si Harri.. Nasa isang upuan ako ng hardin habang pinagmamasdan kong naglalaro at tumatawa ang mga bata kasama si harri at ang kanilang ina na si scarlett.
... pero bakit may kirot?? bakit masakit? .. alam kong hindi tama, alam kong may mali.. pero hindi ko mapigilang mahalin ang lalaking ito na may sarili ng pamilya na masayang nag-sasama.. pinilit ko namang pigilan pero hindi madali.
Minahal ko si Harrison simula pa noong una pero naunahan ako ng takot na baka masira lang ang maganda naming pinagsamahan kaya hindi nya nalaman.. ngunit ngayon, bakit ngayon pa? bakit kung kelan meron ng nag mamay-ari sa kanya duon pa nag-kaintindihan ang aming mga nararamdaman... alam kong mali ito .. maling mali. Pero paano pa ako aahon ngayong lubog na lubog na ako sa pagmamahal ko sa kanya? Hindi ko sya kayang iwan dahil pakiramdam ko ay kailangan nya ako .. pero hangang kelan?