Anchored Love (Tagalog / Filipino)Updated at Nov 17, 2022, 07:13
Ang kwentong ito ay hango sa isang Seaman na taga Dumaguete City na isang 2nd Engineer sa international cargo shipping. Sa edad na 39 years old, si Aldrin Ledesma ay hirap makahanap ng syota. May itsura si Aldrin na may height na 5\'10" at ang itsura nito ay kahawig ni Terrence Romeo. Matipuno at maraming pera. Subsob sa trabaho si Aldrin, marami na itong naipundar sa halos 20 years nitong pagbabarko kaya lang wala itong syota.
Nagustuhan ni Aldrin ang anak ng kanyang katrabaho sa barko na si Kyla. Niregaluhan nya ito ng mamahaling smartphone subalit hindi tiyak kung mapapasa kanya ito dahil meron itong jowa sa Pilipinas. Sa komplikadong sitwasyon, nakipag gigs si Aldrin sa mga kakilala at kabarkada ni Kyla hanggang pinag-aagawan na ito ng mga babae.
Unang pumasok sa buhay ni Aldrin ay si Joan. Syota sa bunsong kapatid ni Kyla na si Junjun. Naging F*ck buddy ni Aldrin dahil sa pag tulong nya sa kinasangkutan nitong gulo. Hindi sila naging magkasintahan ngunit ang kanilang explicit scenes ay napakatindi.
Si Sarah naman na kaklase at barkada ni Kyla ay naging karelasyon ni Aldrin. Walang commitment si Aldrin sa kanya ngunit ang kanilang relasyon ay maihahalintulad sa isang magsyota. Si Sarah ay isang anak ng negosyanteng Muslim sa Mindanao na napaibig kay Aldrin ngunit ang kanilang pagkakaiba sa pananamplataya ay naging harang sa kanilang pag-iibigan.
Si Ashley naman na isa ring kaibigan ni Kyla ay gusto ring tikman ang pag-ibig ng ating bida. Si Ashley ay isang dancer ng unibersidad ay may balak agawin ang ating bida sa dalawang babaeng naglaban-laban sa pag-ibig ni Aldrin.
Ano kaya ang ang hahantungan sa apat na babae sa buhay ni Aldrin? Sino kaya sa kanila ang maging Mrs. Ledesma?
Warning: Rated SPG! Includes s*x scenes and strong languages! Read at your own risk!