Ang Triplets ng BilyonaryoUpdated at Jan 1, 2024, 20:00
Sa loob ng sampung taon ay inalay ni Lynn ang kanyang buhay sa pagpapalaki sa kanyang triplets matapos siyang palayasin sa kanilang tahanan sampung taon na ang nakaraan ng malupit niyang ama. Nagtrabaho siya ng matagal sa loob ng mahabang panahon bilang isang serbedora sa isang restawran at nagawa niyang maghanapbuhay para sa dalawa niyang lumalaking anak na lalaki at isang anak na babae na nahihirapan sa isang degenerative na sakit sa mata. Sa mga panahong inakala niya na wala ng problema ang darating sa kanyang buhay, natagpuan niyang muli ang kanyang prinsipe.
Noong bata pa siya ay gusto na niya si Silas Uy, ang anak ng pinakamalaking karibal sa negosyo ng kanyang ama. Sa kasamaang palad, tila hindi nito alam ang kanyang pagmamahal para rito at ang pagiging iba kumpara sa mga dalaga na nasa paligid nito. Kuntento na si Lynn sa kanyang nararamdaman kahit hindi siya mapansin ng lalaki.
Ngunit isang umaga, naging biktima siya ng malupit na panlilinlang ng kanyang kapatid na babae. Natagpuan niya ang kanyang sarili sa kama kasama ang mismong lalaking mahal na mahal niya ngunit ang lalaki ay sobrang nandiri sa kanya. Binato siya nito ng isang blankong tseke, inutasan siya nitong mawala, at huwag nang magpakita sa harap nito. Pagkaraan ng sampung taon ay napalaki niya ang kanilang mga anak nang hindi nalalaman ni Silas ang tungkol sa mga ito ngunit lingid sa kanyang kaalaman, desperado pala si Silas na naghahanap sa kanya. Nang matagpuan siya nito ay nakaramdam ito ng takot nang makitang hindi siya nag-iisa at siya lang mag-isa ang nagpapalaki sa kanilang mga anak. Sa loob ng sampung taon kasi ay inakala nitong ang babaeng nakasama nito ng isang gabi ay isa lang na katulong at hindi ang babaeng pinapangarap nito. Kahit papaano ay kailangan nitong humanap ng paraan para makabawi kay Lynn at makuha ang tiwala ng kanyang mga anak na tahimik na nagbabalak ng paghihiganti sa sinumang nanakit sa kanilang ina. Mabilis din na natutunan ni Silas na may higit pa sa kanila kaysa sa nakikita ng kanyang mga mata.