Story By Maria-Letisha
author-avatar

Maria-Letisha

ABOUTquote
Noong nasa elementary pa lang ako, nakahiligan ko na talaga na magbasa ng mga pocket books, mga e-books, at Wattpad. So, na-inspire ako na gumawa ng ganito. Sabi ko pa sa sarili ko, “Gusto ko ring makapagsulat, ma-publish, at higit sa lahat maipabasa ko sa lahat ang mga gawa ko” kaya mas pinagpursige ko ang pagsusulat. Ang aking mga kaklase ang mga naging first readers ko, at ang mas nakatutuwa pa ay gustong-gusto nila lahat ang gawa kong story. Kaya mas tumaas ang confidence ko sa pagsusulat hanggang sa tumuntong na ako ng high school. Hanggang sa may mga tumulong sa akin na mas mai-pursue ko ang aking pagiging writer, kung hindi dahil sa kanilang mga itinuro at paalala, wala ako ngayon dito.
bc
Hanggang sa muli
Updated at Dec 8, 2021, 21:00
Si Katana ay isang simpleng babae na pag-aaral lamang ang inaatupag. Wala sa kanyang bokabularyo ang magmahal ng lalaki dahil kampante na siya na ang kanyang daddy at nangakong mga kapatid lamang ang mamahalin niyang lalaki—wala nang iba. Hindi rin siya naniniwala sa true love, maging sa love at first sight, ngunit nagbago lang ang lahat nang makilala niya si Zack. Si Zack na binansagang playboy dahil marami na itong napaiyak na mga babae. Ngunit nang makita ni Zack si Katana ay kaagad niyang binago ang kanyang sarili. Hindi rin siya nagdalawang-isip na ligawan si Katana na kalauna’y sinagot din siya. Subalit ang sayang iyon ay panandalian lamang dahil sa malubhang sakit ni Katana na hindi nagtagal nalaman din ni Zack. Maging hadlang kaya ang kamatayan para sa mga pusong tunay na umiibig?
like