Story By abejean
author-avatar

abejean

bc
"He's My Boss"
Updated at Aug 25, 2025, 06:49
"He's My Boss" Si Yanna Santiago ay palaging alam kung ano ang prioridad niya sa buhay: makatapos ng pag-aaral, suportahan ang kanyang ina, magtrabaho nang maayos, at manatiling simple ang pamumuhay. Pag-ibig? Hindi kasama sa plano. Para saan pa ang kilig kung gutom ang tiyan? Sa umaga, isa siyang masigasig na estudyante. Sa hapon hanggang gabi, isa siyang seryosong sekretarya. Gabi na kung umuwi, pagod pero buo ang loob. Wala siyang oras para sa landi o distraction. Pero nagbago ang lahat nang unang beses siyang tumapak sa loob ng Villafuerte Group of Companies. Hindi dahil sa eleganteng opisina, kundi dahil sa bagong CEO. Nathaniel Villafuerte. Ang bago niyang boss. At hindi lang basta boss—isang misteryo, isang panganib, at isang tukso na hindi niya inaasahan. Matangkad. Tahimik. Matalino. Gwapo. At tila may itinatagong madilim na sikreto. Isang titig pa lang niya, parang bumabagal ang oras. Hindi siya palatawa, pero kapag ngumiti, parang may ibang ilaw sa paligid. Hindi inaakala ni Yanna na mapapansin siya ng isang tulad niya. Pero napansin siya nito. At simula noon, unti-unti na siyang nadadala. Una, simpleng late-night meeting lang. Sumunod, text kung nakauwi na ba siya. Isang sabay na lunch. Isang tingin na parang may ibig sabihin. Isang mensahe: "Are you free tonight?" Yanna tries to convince herself it's nothing. Siguro mabait lang siya. Siguro professional lang. Pero habang lumalalim ang usapan, habang mas dumadalas ang sulyap, at habang bumibilis ang tibok ng puso niya tuwing naririnig ang pangalan ni Nathan alam niyang hindi na ito biro. Dahil si Nathan, hindi lang basta lalaki. Boss niya ito. At ang ganitong klaseng koneksyon? Maaaring magbago ng lahat. Pero si Nathan ay may sariling laban. Bilang CEO, alam niyang bawal mahulog. Sanay siyang maging matatag, malamig, at hindi nagpapadala sa emosyon. Pero kay Yanna, parang may lamat ang pader na matagal na niyang itinayo. May kakaiba sa dalagang ito. Ang simpleng ngiti, ang dedikasyon, ang paninindigan, pati ang pagiging awkward minsan lahat iyon ay parang pahinga sa kanyang magulong mundo. Ngunit may mga sikreto si Nathan. Mabibigat. May kasaysayang ayaw na niyang balikan. Isang pamilya na may bahid ng pagkakanulo. Isang kumpanyang maraming gustong pabagsakin siya. Isang nakaraan na hindi basta pwedeng kalimutan. Alam niyang hindi siya pwedeng magmahal. Pero tuwing kasama niya si Yanna, nakakalimutan niyang CEO siya. Tuwing tahimik ito, nag-aalala siya. Tuwing natatapilok, gusto niyang saluhin. Tuwing hindi siya nagpaparamdam, hinahanap niya. Habang lumalabo ang linya sa pagitan ng trabaho at damdamin, parehong kailangang mamili sina Yanna at Nathan. Ipaglalaban ba ni Yanna ang pusong unti-unting nahuhulog, kahit alam niyang delikado? Magpapakatotoo ba si Nathan, o pipiliing muli ang kaligtasan kaysa sa pagmamahal? O matatalo sila sa sarili nilang mga takot, lihim, at mga pangakong hindi nila kayang panindigan? "He's My Boss" ay isang nakakakilig ngunit masalimuot na kwento ng pag-ibig sa opisina. Kwento ito ng dalawang taong pinagbuklod ng pagkakataon, pero pinaglayo ng mga dapat nilang iwasan. Kwento ng pagkakabangga ng career at damdamin. Kwento ng pagpili: puso o prinsipyo? Sa bawat sulyap, sa bawat lihim, at sa bawat pagbitaw o paghawak, makikilala natin ang totoong halaga ng pagmamahal.
like
bc
LOVE AFTER LOSS
Updated at Aug 5, 2025, 17:41
LOVE AFTER LOSSGenre: Drama | Romansa | Pamilya | Second Chances---BUOD NG KWENTO:Paano mo muling mamahalin ang taong minsan ka ng sinaktan... At di pinahalagahan at minahal sa simula pa lamang.Si Alexander Xavier Huxley ay isang lalaking minahal nang sobra ng mundo kaya siguro, hindi niya kailanman natutunang pahalagahan ang tunay na mahalaga. Isang matagumpay na negosyante, matalino, gwapo, at may maayos na buhay pero kulang sa emosyonal na lalim.At meron siyang asawa.Si Arabella Sapphire Ford ang babaeng tahimik ngunit malakas, mapagmahal, maunawain, at laging nasa likod niya. Sila’y magkaibang-magkaiba: si Alexander ay lohikal, kontrolado, at minsan malamig; si Arabella naman ay may pusong mas malapit sa damdamin at pananampalataya sa pagmamahal.Ngunit ang pinakamatibay na pag-ibig ay maaaring matibag ng kawalan ng tiwala, katahimikan, at isang babaeng mula sa nakaraan.---Ang Pagbabalik ni Elise Adeline SmithDumating si Elise Adeline Smith ang high school ex ni Alexander. Maganda, elegante, at mapanlinlang. Pumasok siya sa buhay ni Alexander na kunwaring “business partner,” pero malinaw ang motibo niya: gusto niyang maagaw muli si Alexander.Unti-unti, tulad ng lason, binalot ni Elise ang relasyon nina Alexander at Arabella sa mga hinala, kasinungalingan, at mga tahimik na pananahimik ni Alexander. Hindi siya nangaliwa… ngunit hindi rin siya nagpaliwanag. At sa bawat pagkakataong tinanong siya ni Arabella, pinili niyang manahimik.Hanggang sa isang araw biglang nakipag divorce si Alexander dahil sa pag sabi ni Elise na may relasyon si Arabella at ng kaniyang best friend nito na si Liam, lubos naman na nasaktan si Arbella at napuno na sa ginagawa ng asawa sa kaniya kaya naman napag desisyonan niya na pumayag sa diborsyo at umalis sa buhay ni Alexander kahit na sobrang sakit ito para sa kaniya.Umalis siya ng walang drama. Walang goodbye. Walang sulat.At ang mas masakit?Hindi siya hinabol ni Alexander.---Ang Sikreto ni ArabellaDalawang buwan matapos siyang umalis, napagtanto ni Arabella ang isang bagay na tuluyang nagpatibay sa kanyang desisyon:Buntis siya.At sa halip na bumalik para humingi ng suporta o paliwanag, pinili niyang magtago. Umalis siya sa lungsod, nagbagong-buhay, at tahimik na ipinaglaban ang kanyang pagbubuntis nang mag-isa. Sa tulong ng matalik niyang kaibigan na si Liam Park, na hindi siya iniwan sa kahit anong hirap, nanganak siya sa isang batang babae na pinangalanan niyang Alexandra Sapphire Ford.Isang batang babae na habang lumalaki ay kamukhang-kamukha ng ama nito si Alexander.At sa bawat tingin ni Arabella sa kanyang anak, pinipilit niyang huwag malunod sa alaala ng lalaking minsan niyang minahal nang buo.---Ang Matibay na Sandalan: Liam ParkSi Liam, ang matalik na kaibigan ni Arabella mula pagkabata, ay laging nasa tabi niya hindi lang bilang kaibigan, kundi bilang tagapagtanggol, tagapakinig, at minsan, tagahawak ng puso’t damdamin.Kahit kailan ay hindi siya nanghingi ng kapalit. Tahimik lang siyang nandoon kasama ni Arabella sa bawat gabi ng pag-iyak, sa bawat sakit ng katawan habang nagbubuntis, at sa bawat hakbang sa bagong buhay.---Tatlong Taong KatahimikanSa loob ng tatlong taon, pinilit ni Alexander na bumangon mula sa sakit. Ngunit kahit gaano siya kasuccessful sa negosyo, alam niyang may kulang si Arabella.Simula nang mawala ito, nagsimulang bumulong ang konsensya. Binalikan niya ang mga huling tanong nito. Ang mga luha. Ang katahimikan. At ngayon lang niya naintindihan:Hindi kailangan ng isang relasyon ng pagtataksil para masabing may pagkukulang.Minsan, sapat na ang hindi mo piniling ipaglaban ang taong umiiyak na sa harap mo.At si Elise?Hindi niya kailanman minahal. Sa huli, pinutol niya ang koneksyon pero huli na ang lahat.---Isang Biglaang PagkikitaHanggang sa isang araw, sa isang hindi inaasahang lugar, muli niyang nakita si Arabella.At sa tabi nito…Isang batang babae.May mata na parang kanya. May ngiting parang sa ama.At doon niya nalamang totoo ang sinasabi ng puso niya na may nawala sa kanya nang mas higit pa sa inakala niya.---Ang Simula ng Tunay na LabanNgayon, si Alexander ay may layunin: makabawi.Hindi lang kay Arabella, kundi sa anak na hindi niya nakilala at sa sariling pagkatao na unti-unti na ring nawawala.Pero hindi na siya ang dating Arabella.Siya na ngayon ay isang ina. Isang babae na natutong maging matatag. Isang pusong hindi basta-basta muling magbubukas lalo na sa lalaking minsang naging dahilan ng kanyang pagluha.---May Espasyo Pa Ba?Handa si Alexander na patunayan ang kanyang pagmamahal.Pero may tanong na hindi niya agad masagot:May espasyo pa ba siya sa puso ni Arabella?O tuluyan na ba siyang napalitan ng isang lalaking hindi siya iniwan si Liam?At kung sakaling mahal pa siya ni Arabella…May lakas pa ba ang pag-ibig nila para bumangon mula sa sugat ng nakaraan?
like
bc
THE LAST TO FALL
Updated at Jul 28, 2025, 09:15
THE LAST TO FALL – Full Story DescriptionGenre: Romance, Enemies-to-Lovers, Coming-of-Age, School/University DramaSetting: Silvergate Academy → University---Skye Aragon has it all the grades, the discipline, the last name. As the daughter of one of the country’s most feared attorneys, she’s raised to be perfect, calculating, and never second best. She's used to applause for every academic victory, awards filling her shelves, and her parents' approval given only when she's flawless.She doesn’t have time for distractions, and certainly not for anyone like Eros Del Valle.Eros is the opposite of everything Skye stands for. He’s infamously late, wears a permanent smirk, and doesn’t seem to care about the rules everyone else follows. But what most people don’t see is that he’s also a genius the kind who scores high without effort, who observes before he acts, and who hides his pain behind sarcastic remarks and an "I-don’t-care" attitude.When he transfers to Silvergate Academy in their junior year, the school trembles because for the first time in years, Skye Aragon is no longer the undisputed top of the class.What starts as silent rivalry soon turns into verbal warfare. Every project becomes a battlefield, every classroom an arena. They clash over everything grades, group work, seating arrangements, even who gets to walk out the classroom door first. But beneath the sarcasm, behind the eye rolls, something else starts brewing.Hate has never felt this electric.---Skye sees Eros as a threat to her goals. Eros sees Skye as the challenge he never thought he needed. But when a major interschool research competition forces them to partner up for three months, they’re left with no choice but to deal with each other outside the safety of their classrooms and comfort zones.Their meetings begin with arguments, cold shoulders, and endless tension. But late-night research turns into real conversations. Frustrated insults slowly shift into laughter. And the walls they’ve built start to crack not just around each other, but around themselves.They learn about each other's scars. Skye, pressured since childhood to be perfect, reveals a home where failure is punished with silence. Eros, abandoned at a young age and raised by his grandmother, hides the pain of being unwanted and the fear of being seen.They fall slowly. Deeply. Unintentionally.But while their hearts open up, the world around them starts to close in.---Their secret partnership blooms into a bond too strong to ignore. Rumors swirl, classmates whisper, and both their reputations start to shift. Suddenly, Skye is being questioned is she still the cold, untouchable queen everyone thought she was? Eros is challenged too is he really the careless rebel he pretends to be?They promised themselves they wouldn’t get attached. That their rivalry was enough. That what they had wasn’t real.But the truth is clear they’re falling. One of them is just falling first.---By senior year, everything becomes harder to hide.Skye finds herself turning down dates, studying with Eros at the library, and checking her phone for his messages more often than she’d admit. Eros, once detached and disinterested, is showing up earlier to school, fixing his uniform, and caring more than he should.But their relationship is fragile built on stolen moments and unspoken emotions.Just when things start to feel right, their pasts begin to catch up.Skye’s father discovers their secret meetings. To him, Eros is a distraction another “nobody” trying to drag his daughter down. She’s given an ultimatum: end it, or lose her shot at her dream university. Eros, meanwhile, is dealing with his own tragedy his grandmother falls sick, and he’s forced to work odd jobs while keeping up with school and hiding his struggles.The pressure mounts. Miscommunication grows. And eventually, one of them has to let go.Eros disappears from Skye’s life after graduation no message, no goodbye.He leaves before he can ruin her future.He leaves, because he believes that love isn’t enough to keep someone who deserves more.Skye, heartbroken and confused, buries herself in university life, building walls even higher than before. She tells herself it was just high school. That it never mattered.But every valedictory speech, every group photo, every empty seat beside her reminds her of the boy who made her feel alive.---Four years later, their paths cross again.They’re older. Wiser. Colder.Skye is about to graduate from law school, standing on the edge of a future she once thought was everything. Eros, now working as a documentary filmmaker, is assigned to cover a youth-led human rights campaign that Skye happens to be leading.The moment they see each other again, the air shifts.He’s no longer the boy who smiled at her while pretending not to care.She’s no longer the girl who hated him for beating her at debates.
like