FROM THREE DAYS TO ETERNITYUpdated at Aug 2, 2022, 06:59
"Sinong mag-aakalang sa loob nang tatlong araw ay nahulog agad ako sa isang lalaking hindi ko naman kilala ng husto?
Pero naranasan mo na bang palayasin na walang dala kahit ano? Naranasan mo na bang magpagala-gala sa kalye at sa isang iglap lang natagpuan mo na ang lalove mo? Syempre hindi mo 'yon naranasan!
Pero ako, ranas na ranas ko. Nagsimula ang lahat nang aksidente kong masunog ang bahay ng Auntie ko. Lubos akong nagpapasalamat na nangyari 'yon, dahil doon natagpuan ko ang isang Theo Venerioso Williams. Ang lalaking naging katuwang ko sa mga panahong hirap na hirap ako, ang lalaking nagparamdam sa akin na mahalaga ako at kamahal-mahal.
Pero nagbago ang lahat ng iyon nang biglang bumalik sa buhay niya ang babaeng minahal niya nang matagal na panahon. At ako? 'wag niyo na itanong kung anong nangyari sa akin. Basahin niyo nalang ang talambuhay ko, pangit naman kung i-spoil ko kayo 'di ba?
Ako nga pala si Gianna Mignonette Yno, at ito ang kwento ng buhay ko."
-Gia.