Dahil sa matinding pagmamahal ay nakaya niya ang pagtakwil sa kanyang mga magulang at nakakatanda niyang kapatid. Akala niya matapos siyang ikasal kay Lucas Borromeo ay magiging masaya siya kahit alam niyang hindi siya ang mahal ng lalaking mahal at kanyang pinakasalan. Umaasa siyang makakalimutan niya ang babaing mahal nito pero sa makalipas na mahigit tatlong taong pagsasama, hindi siya nito pinakitaan ng pagmamahal at pag aruga sa halip lagi nitong pinagmumukha sa kanya kung gaano siya nito ka di gusto. Na kahit kailan hindi siya karapat dapat sa hinihingi nitong pagmamahal. Hanggang kaila kays siya magtitiis? Wala bang kapatawaran ang kanyang nagawa kaya ganon nalang ang pagkasuklam nito sa kanya?
Dahil sa tindi ng pangangailan niya sa pera napasubo si Erica sa pangyayaring di niya inaasahan. Masaya naman siya dahil sa di inaasahang pangyayari naikasal siya sa lalaking pinakamamahal niya. Buong akala niya ay matututunan din siya nitong mahalin pero di nangyari yon. Ikanga nila, lahat ng tao may kanya-kanyang karma sa buhay pero bakit? wala ba siyang karapatang sumaya? mabubuo pa kaya ang pamilyang pinangarap niya noon kung siya naman ang nang-iwan sa kanila?