Hiwaga ng PagibigUpdated at Jan 14, 2020, 04:48
_Ang aklat na ito, sakaling sa pagkatunghay ninyo sa mga dahon, ay di
kakitaan ng mga matatamis na pangungusap, ng matatayog na pagkukuro ng
kaisipan, at gayon din, sakaling di maging masarap sa inyong panglasa
ang nalalaman dito, ay hinihiling ko ang paumanhin ng madla sa abang
kathang ito; pagka't ako ay hindi isang tanyag na manunulat at
mangangatha._