My Fairy AffairUpdated at Mar 16, 2022, 08:19
si luisa ay naka pasok sa kaharian ng mga engkanto. at inakalang panaginip lang ang lahat kaya ni landi nya ang lalaking engkanto na si lucas tinuraan nya itong mag romansa at ayun sa kung saan ang kiliti nito gustong gusto nya ang ginagawa nya hanggang hinahanap hanap na ng lalaking engkanto ang ginagawa sa kanya ni luisa.
at di nag tagal umiibig na sa kanya ng labis si ang lalaking engkanto .....
" My fairy affair"
Part 1
luisa senior student panganay at may dalawa akong kapatid na babae si lorry at lucy kaya si tatay lang ang lalaki sa aming pamilya isa syang taxi driver at si nanay ay nasa bahay nag titinda ng gulay sa aming bakuran dahil may taniman kami sa aming bahay. Kahit mahirap kami pero marami kaming tanim dahil malawak din naman ang lupain sa likod bahay.
Sabado iyun at walang klase kaya nasa likod bahay kami at nag alaga ng pananim , tulong tulong kami si tatay lang wala dahil pumasada ito. Ang init ng panahong iyun kaya alas dyes palang na umaga ay napagud na sina nanay at bunso umuwi na sila sa bahay at sumonod narin si lorry pagkatapos ng nag pa usok sa tanim." Ate luisa !!!! Uwi na tayo "
Sabi pa nito. " Oo lorry susunod ako pahinga muna ako dito ilalim na punong mangga dahil malamig dito" sabi ko sa kanya
Umuwi na si lorry. At na upo ako sa kawayang higaan na gawa ni tatay. Ang lamig talaga doon. May biglang tumawag sa akin
"Magandang umaga luisa"bati nya
isang babae napakagandang babae ang puti nya at ang ganda ng balat nya.
Lumapit sya sa akin at nag pa kilala
"Gusto ko lang sana makipag kaibigan sayo luisa" at ngumiti sya.
Amupo ito at humarap sa akin.
" Ako si salem, alam mo gusto kitang maging kaibigan dahil nababaitan ako sayo araw2x kitang nakikita, mabait kang anak at kapatid gusto ko sana na maging mabuting kaibigan tayo."sabi nya
" Ahhh, oo naman sige.pero Pano mo nakilala eh hindi pa kita nakita. At bakit ka nka pasok dito eh may bakod dito heheheh at nginitian ko sya.
"Luisa, dito ako nakatira" sabi nya
Ha ? Saan banda bahay nya dito saan sa labas? Tanong ko
" Hindi sa labas, dito mismo sa punong mangga" sabi nya
" Ay naku wag ka nga mag biro"
Pero kung gusto nya tumira eh sige sabihin ko sa nanay at tatay ko. Sabj ko
" Luisa, wag kang matakot sa akin kasi
hindi ako tao, isa akong engkanto kami ang tumutulong sa inyo na maging maraming bunga ang halaman nyo. Sa likod nitong puno ng mangga nandyan ang portal namin palabas sa mundo ninyo. Mayroong isang malaking palasyo at ciudad. Dahil mag kaibigan na tayo pwedi kitang e pasyal sa aming mundo."
At bigla tumawag si nanay
Luisa ! Luisa !!!
At nagising ako napatulog pala ako.
At agad akong bumangon sa higaang kawayan
Nay !!! Upo papunta na ako dyan !!!!
Gabi na at nag handa na kami sa hapunan dumating narin si tatay, sabay kaming nag haponan. At nag kwentohan hanggang sa nagpahinga na kami.
Nahiga na kami at sama2x kami mag kapatid sa isang kwarto. Tahimik na ang gabi at ng may tumawag sa akin
Luisa, luisa ! Nagising ako at rinig ko talaga ang pangalan ko napa upo ako sa higaan at pinakinggan ko pa ulit ito.
Luisa ! Luisa
binuksan ko nang kunti ang bintana at nakita ko ang babae sa panaginip ko.
" Luisa, dali na sabj ko sayo ipapasyal kita diba
Halika lumabas ka" alok nito
Lumabas ako.kasi baka marinig pa sya nila.nanay at tatay.
Nilapitan ko sya.
" Ikaw ba si salem? Nakita kasi kita kanina sa may manggahan" tanong ko
" Oo Luisa, at diba sa ko sayo ipapasyal kita,"
Hinawakan nya ang kamay ko at pumunta kami sa likod bahay namin sa manggahan.
At sabi ko sa sarili ko baka panaginip din ito.
Hayaan ko nalang parang magandang panaginip ito. Hawak nya kamay ko habang nag lalakad at biglang nakita ko sa manggahan ang napaka liwanag parang may araw at bigla nalang ako nandoon. Nag taka ako bakit biglang umaraw ehh gabi na. Hinayaan ko lang dahil baka magandang panaginip to.
"Luisa, ito ang aming mundo" at ngumiti sya
Dito tayo sa likod dadaan ng palasyo, baka makikita tayo ng mga taga palasyo."
Sabi pa ni salem
"Dali luisa, punta tayo sa kwrto ko sa palasyo para makita mo lahat ng ciudad"
At napamangha ako dahil ang ganda ng palasyo at ang daming bulaklak sa paligid nito.
Hinayaan kulang talaga si Salem
Pumasok kami sa kwrto nya at napakalaki nito, ang laki ng pinto tapos sa loob ang ganda ng mga upoan at higaan nya ang bango. Gawa sa ginto lahat.
"Napakaganda dito kaibigan salem" sabi ko
" Halika sa bintana para makita mo buong ciudad namin" sabi nito
Lumapit ako sa kanya sa bintana at tumingin ako sa labas nito at napamangha ang colorful nang lugar nila hindi mainit ang lugar pero napaka liwanag nito.
At pinasyal nya ako sa palasyo,
" Luisa, dito kalang muna ha, atayin mo ako at may kukunin ako sa kwarto ko, may ibibigay ako sa iyo" bilin ni salem
At tumango ako sa kanya
May narinig akong agus ng tubig at hinanap ko ito at ayun may usok parang hot spring
Napakaganda at parang nanghalina ang tubig nito kaya nilagay ko ang paa ko.at naupo ako sa bato.ang sarap sa pakiramdam parang ang sarap naring ibabad