Naniniwala tayo sa kasabihang, "kung ano ang ibigay ng maykapal ay iyon ang para sa atin."
Kung ang ibigay ay yung para sa kanya, tatanggapin mo pa rin ba?
Kung ang ibigay ay yung nakatadhana sa maykapal, iibigin mo pa rin ba?
Kung ang ibigay ay yung nakikitang mong yun ang magiging takda niya, magpapatuloy ka pa rin ba?
Ilan yan sa mga tanong na pipiliting bigyan ng sagot sa kwentong ito.
Kung ano nga ba ang mangingibabaw, at kung may pagmamahalan bang mabubuo o kung ito'y ipagpapasadiyos na lang.