How beautiful it is to speak your mind, share your thoughts, and bring other people into another dimension.
Word to words and sentences to story; that will completely change your life by this craft.
Ang maarte at bungangerang si Jin ay napunta sa ibang katawan na kabaliktaran ng kanyang katauhan. Ito'y sa hindi inaasahan ni Jin na sa pagdalaw lamang niya sa kaibigang nakaratay sa ospital ay magbubunga ng pagbabago sa kanyang buhay.
Habang inaayos ang gamit ng kaibigan ay umiral ang pakialamerang kamay ni Jin at kinuha ang kwaderno ng kaibigan na naglalaman ng kwentong hindi matapos tapos sa kasukdulan. Nang buklatin ni Jin ang kwaderno ng kaibigan na may titulong 'Debacle' ay bigla na lamang siya nawalan ng malay at napunta sa lugar na hindi niya alam at napunta sa katawang hindi niya batid ang pagkakakilanlan.
Paano na ang IG feed niya? Hindi na siya makakapag-tweet at hindi na ba niya mapapalitan ang profile picture na naka-dare lamang at badshot ang nakalagay?
Hindi na rin ba niya makukuha ang labindalawang parcel sa Shopee na inorder niya noong nakaarang linggo?
Halika't samahan si Jin sa pagyurak sa katawan ng tauhang kanyang napuntahan.
Nayurakan nga ba?
After one death, silence will ensue. Then after some time a resounding tragic news will frighten innocent students again. However, a mysterious girl tried to solve the mystery and some other brave guys want to help solving the crime. What's with that fourth floor? Will theses students solve the case and find the culprit?