Araw araw, Gabi gabiUpdated at Jul 2, 2025, 21:23
Makalipas ang labing isang taon na nagsasama sila Wilfred, at Sandra ay napag alaman niya ng kasal pala si Wilfred sa isang babae na taga Bikol. Ito ay ang probinsiya na pinagmulan ng kanyang asawa na si Wilfred. Ito ay ang lugar na liblib, at kilala na lugar ng mga engkanto. Mayroon mga mangkukulam, at mangbabarang na sa gabi lamang lumalabas. Si Lilia, ang totoong asawa ni Wilfred. Matagal ng alam ni Lilia na mayroon ng ibang asawa si Wilfred ngunit ayaw niya itong guluhin. Paminsan minsan ay nagbabakasyon si Wilfred doon sa probinsiya nila upang dalawin si Lilia, ang kanilang dalawang anak, at a mga magulang niya. Nabalitaan ni Sandra na unang asawa si Wilfred ngunit hindi siya naniwala. Isang araw ay napagdesisyunan niya na harapan, at natukasin ang katotohanan. Sa sobrang pagmamahal kasi ni Sandra kay Wilfred ay takot siyang alamin ang katotohanan. Lingid kasi sa kaalaman ni Sandra na mahirap lamang ang pamilya ni Wilfred, at tanging ang salapi lamang ang habol nito sa kanya.