Story By Meowpyyyyy
author-avatar

Meowpyyyyy

ABOUTquote
Ordinary girl with extraordinary dreams. Galatians 6:9 And let us not grow weary of doing good, for in due season we will reap, if we do not give up.
bc
Love you still
Updated at Jul 31, 2023, 01:54
Love makes the world go round, sabi nila. Pero iba para kay Xena dahil pinatigil nito ang isang bahagi ng buhay at pagkatao niya. Kahit na dala ang sakit ng kahapon ay pinili niyang mag-move forward at ngumiting muli upang ipagpatuloy ang buhay. Ngunit pagkatapos umalis nang walang paalam makalipas ang ilang taon ay hindi niya kailanman inakalang maglalaro ang tadhana at pagtatagpuing muli ang kanilang landas ng nag-iisang lalaki na kanyang minahal at iniwan sa nakaraan. Pero nagbago na ito, wala na ang bakas ng pagkatao ng lalaking kanyang nakasama noon. Wala na ni anino ng suyo kapag tinatapunan siya nito ng tingin at lambing sa tinig kapag kinakausap siya. Sa halip ay puro pang-iinsulto at masasakit na salita na lamang ang lumalabas sa bibig nito sa tuwing bubuka iyon. At ang nakakaloka pa ay napapansin n'ya na palagi na lang siya nitong pinag-iinitan at pinepersonal. Palagi ring iritado at akala mo ba ay may buwanang dalaw sa sungit. Aminado naman siyang may malaki siyang kasalanan dito. At mukhang dumating na rin ang panahon ng paniningil nito, ayaw man niya ay kailangan niyang magbayad. Ngunit sa kabila ng mga iringan nilang dalawa at hindi pagkakasundo ay hindi maikakailang ito pa rin ang nag-iisang tao na may kakayahang patibukin nang mabilis ang puso n'ya. Akala n'ya ay okay na s'ya, akala n'ya ay naka-move on na s'ya rito. Pero mukhang mali ang lahat ng naging paniniwala n'ya dahil tutol man ang isip n'ya sa kanyang nararamdaman ay sadya namang may pagkatraydor, suwail at balimbing ang puso n'ya basta pagdating na rito ang usapan. Love is sweeter the second time around, maging applicable naman kaya ang kasabihang iyon sa dalawang ito? O sa halip na maging matamis ay baka naman pait ang malasahan at maging kapalaran ng mga ito sa dulo?
like
bc
The Billionaire's False Secretary
Updated at Feb 3, 2023, 04:35
Dahil sa kahirapan, mapipilitan na pumasok si Apolonia Marquez sa isang kasunduan nang alukin siya ng isang mayamang estranghera ng tulong pinansiyal upang maoperahan ang kanyang ama na may sakit sa puso. Ngunit kapalit niyon ay kailangan niyang gawin ang apat na sikretong misyon, isa na roon ang maging sekretarya ng pamangkin nitong bilyonaryo. Nakasaad sa kasunduan na kailangan niyang magawa ang apat na misyon, kung mabibigo siya ay kailangan niyang bayaran ang lahat ng nagastos ng ginang. Dahil wala siyang ibabayad dito ay ginawa ni Apol ang lahat upang magawa ang mga iyon kahit pa nga masungit, istrikto at may pagka-aloof ang kanyang amo. Tila umaayon naman ang pagkakataon at nagtatagumpay ang dalaga sa nakasaad sa kasunduan, ngunit sa kasamaang palad ay hindi niya namalayan na sa closeness na mayroon sila ay nahuhulog na pala ang loob niya sa mismong tao na subject sa kanyang misyon. Masarap sanang mangarap. Pero hindi sa katulad niya. Bukod sa malayo ang agwat ng kanilang estado ay hindi talaga siya nababagay rito dahil kahit na sabihin pang totoo na ang malasakit, pati na ang nadarama niya para sa binata ay hindi pa rin maikakaila na parte pa rin ng kanyang misyon ang mapalapit dito. Sabi nila, walang sikreto ang hindi nabubunyag, paano na siya kapag nalaman nito ang tungkol sa kanyang sikreto na ito mismo ang kanyang misyon?
like
bc
Love me as I am
Updated at May 29, 2022, 06:33
The hardest battle that anyone could face is to stay true to yourself and to others from the beginning until the end. Pero paano kung ang pagiging totoo mo ay hindi pa rin sapat upang makita ng taong mahal mo kung sino ka ba talaga? The hardest challenge that anyone could take is to be seen beyond what the eyes could see, to be seen who we really are and to be seen right through us... right through the depths of our soul. Pero paano kung sa tuwing titingnan ka pala niya ay hindi naman pala ikaw ang nakikita niya, kung hindi ibang tao sa katauhan mo mismo? Everyone is fair in love and war. Pipiliin mo pa rin bang lumaban kahit na alam mong umpisa pa lang ay wala ka nang tiyansa at sa huli ay uuwi ka lang ding talunan at luhaan? Masarap ang magmahal at ang mahalin, pero paano kung isang araw ay malaman mo na ang pagmamahal na ugat ng iyong kasiyahan at lihim na inaasam ay hindi naman pala ukol para sa iyo? Hanggang saan nga ba ang kayang tiisin ng pusong nagmamahal kung ito ay puno na ng sakit, sugatan at durog na durog na? Mananatili at kakapit ka pa rin ba? O tuluyang bibitaw ka na?
like
bc
Escape From Reality (Tagalog)
Updated at Apr 30, 2022, 09:53
Problema sa pamilya, bigo sa pag-ibig at kawalan ng gana sa napiling propesyon bilang isang manunulat, pagkatapos nang sunod-sunod na hindi magagandang pangyayari, saan ka nga ba tutungo upang ikaw ay makatakas sa mapait na reyalidad ng mundo? Ano ang gagawin mo upang pulutin ang nagkapira-pirasong bahagi ng puso at pagkatao mo? Kanino ka sasandal upang ikaw ay makahugot ng lakas upang makalimot sa sakit na nadarama at dala-dala mo? Sa sitwasyon ni Caia Ortaleza, hindi niya alam kung saan siya tutungo, hindi rin niya mapulot ang pira-pirasong bahagi ng kanyang puso at pagkatao dahil durog na durog siya at higit sa lahat ay wala siyang masasandalan upang paghugutan ng lakas upang makalimot dahil wala siyang matatawag na kaibigan. After everything that had happened in her life, she was totally at the brink of losing hope and she was literally in the depths of despair. Akala niya ay nangyari na ang major plot twist sa buhay niya pagkatapos nang magkakasunod na unos na patuloy na pinagdadaanan niya, pero hindi pa pala, because in the middle of her extreme sorrow, an unexpected thing happened... she literally escaped reality, because she found herself sucked into another world or into the fiction world— inside the story specifically! Doon ay mami-meet niya ang ilan sa mga karakter na gawa lamang ng malikot niyang imahinasyon, kasama na ang pinakapaborito niyang karakter sa lahat— si Rashiel Azul Allegre, na makakatulong sa kanya upang makabangong muli at buuin ang basag niyang pagkatao. Sa pananatili niya sa loob ng istorya ay matatakasan niya ang pait ng reyalidad ng mundo, maghihilom ang ilan sa mga sugat na kanyang bitbit, makakahanap ng kapayapaan at makakatagpo ng kaibigan at pamilya sa pagkakataon at lugar na hindi niya inaasahan. Sa isang iglap ay magbabago ang buhay niya. Hindi lang iyon, sabi nga ng iba, expect the unexpected dahil hindi lang pala ang buhay niya ang magbabago, kung hindi pati na rin ang tibok ng kanyang puso. Pero katulad sa mga nakasulat sa istorya at libro ay posible kaya na magkaroon din ng forever at happy ending ang isang tao at isang hamak na karakter sa kuwento? Paanong pagtatagpuin ang dalawang magkaibang mundo na kanilang pinanggalingan at kinabibilangan? Hanggang saan nga ba ang kayang tawirin ng pag-ibig kung ang malupit na reyalidad na mismo ang gustong makialam at humahadlang, tila ba kumakatok at nagpapahiwatig na hindi sila pupuwede at ang happily ever after na madalas marinig ng lahat ay imposible?
like