HEARTTHROB ( SECRET CRUSH ) - TAGALOGUpdated at Feb 22, 2024, 20:44
I am Briggete, isa akong probinsiyana magsasaka ang aking mga magulang. Nag aaral ako sa isang sikat na unibersidad dito sa aming probinsiya, kasabay ng pangangatulong ko sa mansiyon ng mga Del Puerto, si senyora ang nag request na doublehin niya ang sahod ko, at siya rin ang sumagot sa pag aaral ko.
Dahil malapit na akong mag tapos sa kursong akin kinuha kaya naman mas mahaba ang oras ko dito sa mansiyon, halos dito narin ako nakatira dahil ayaw akong pauwiin ni senyora,.
" Uuwi daw si Senyorito Aquil dito, mag babakasyon lang daw ng ilang buwan" ani ng mga kasamahang katulong dito sa mansiyon.
Si Aquil ang bunsong apo ni senyora, kababata ko ito at dahil sa hindi kagandahan ang aking hitsura ayaw niya akong maging kaibigan. Ayaw niya kasi sa mga pangit na kaibigan, lagi niya akong tinutukso dati, monster ako mas pangit pa daw ako sa monster..
Ang hitsura ko ay pinag samang Kirara at Betty Lafea. Ganyan ka monster ang mukha ko. Sa kabila ng panunukso niya hindi ko alintana iyon, at ginusto kung tuksuhin niya ako dahil natutuwa ang puso ko.
Ou crush na crush ko na siya simula noong mga bata pa lang kami, lihim kong pinag mamasdan lage ang kanyang magandang ngiti noong mga bata pa kami..
Habang nag papa araw kami ni senyora sa may hardin, biglang may pumulupot sa aking baywang, Ang init ng kanyang balat at ibang iba sa pakiramdam, parang may kuryenteng dumadaloy sa aking kalamnan ramdam kung pamumula ng aking mukha, kahit hindi naman halata.. Kahit pangit ang mukha ko may nanliligaw din naman sa akin dahil perfect naman ang hubog ng aking katawan, makinis po ako, maputi at sobrang hot na hot wag mo lang tingnan ang aking mukha, sabi nga ng karamihan sana, naging katawan nalang ang mukha ko. Akmang sasampalin ko na sana siya nang makita ko ang kanyang napakaguwapong mukha, hearttrob siya sa school namin dati, bago siya dinala ng mommy niya sa US.
Pinag mamasdan niya ang akong katawan, na para bang gusto niyang angkinin anu man oras..Nang dumako ang kanyang mata sa aking mukha, biglang nawala ang pag nanais niyang angkinin ako.
"Iho apo"... sambit ng senyora.
"Lola".. sambit ni Aquil sabay halik sa pisngi ng kanyang lola,.
"La mag papahinga lang ako, I'm so tired lola"..ani ni Aquil.
" Sige iho, gigisingin ka nalang namin mamaya pag kakain na o kaya padadalhan nalang kita ng pagkain sa iyong kuarto.." ani ni senyora.
"Sige po la" ..ani ni Aquil sabay talikod.. Umakyat na si Aquil sa itaas at pumasok na sa kanyang silid, nakatulala at nawala ako sa aking sarili ng makita ko ang lalaking matagal ko nang pinangarap.
" Ohh iha, baka pasukin ng langaw iyang bunganga mo, at ang laki ng buka." pagising ni senyora sa akin.
"ah eh senyora, sorry po!" nakangiting wika ko kay senyora.
" Anu ba kasi iha ang iniisip mo at nakatulala ka jan,? nakanganga ka pa." saad ni senyora na may halong pang iinis.
" Ah wala senyora, kalimutan niyo na po iyon." nakangiting saad ko.
" Ai sige na ibalik mo na ako sa aking silid gusto ko na rin mag pahinga." ani ni senyora.
Inalalayan ko ang senyora papasok ng kanyang silid para makapag pahinga, maaga kasi siyang gumising kanina at maagang nag yaya na mag walking at mag papa-araw.
"Hayyy! ang guwapo niya talaga at mas lalo siyang gumuwapo ngayon, tumatalbog ang aking puso sa tuwing nakikita ko siya." sambit ko sa aking sarili, lumilipad nanaman ang aking isipan at nawala nanaman ako sa aking sarili kakaisip ko sa mala Goddess niyang hitsura.
"Iha!" tawag ni senyora sa akin.
"Bakit po senyora?"tanong ko.
" Isa nalang at pasukan ko na ng langaw iyang bibig mo." Naiinis na wika ni senyora.
Nakangiti lamang ako at niyakap ang senyora.
" I love you senyora, sorry na po." saad ko na may kasamang puppy eyes.
Ito talaga ang gusto ni senyora sa akin, ang nilalambing siya, malayo kasi ang loob ng mga apo niya sa kanya, siguro dahil lumaki ang mga ito na malayo kay senyora.
"Hmm ikaw talaga, hali ka rito at tulungan mo akong bumaba sa aking kama mag babanyo ako." may pag kamataray na saad ni senyora.
"Opo! ayan dahan dahan lamang po kayo ha." malambing kong wika.
Si senyora ang isa sa mga may napakabuting puso na nakilala ko, sabi nila mataray, hindi makakausap, terror, demonyeta at kung anu-ano pa ang naririnig ko sa paligid kahit mga katulong dito sa mansiyon nag sasabi.
Pero ako hindi ko ni minsan nakita iyang mga sinasabi nila o kaya iyong mga naririnig ko sa paligid, dahil natural lang naman lahat ang ipinakita ni senyora, walang halong plastic.