Story By Pulang Tinta
author-avatar

Pulang Tinta

ABOUTquote
First Year Psychology Student Church Drummer at Ever Increasing Grace Aspiring Writer in Stary Writing
bc
Unspoken
Updated at Nov 20, 2023, 21:27
Istorya ng isang dalaga na pinagkaitan ng kakayanang makapagsalita, tunay nga ba na mayroong ibang makakaunawa? Isang halimaw na nagkukubli sa kalooban ng kanyang pagkatao, may maglalakas loob ba na sa kanya ay makipag talo? Siyang walang salita, ngunit higit sa kaninuman ang kanyang nakita. Walang kakayahan, ngunit higit sa kahit kanino ang kanyang karanasan. Si Penelope na may kakaibang katauhan, lalabas ang isang hindi pangkaraniwan at masasagasaan ang sinumang haharang sa kanyang daraanan. Isang sakit na tila ba walang lunas, mundong marahas, nakaririndi ang bawat pintas, ang hindi manahimik ay tuluyang mauutas. Hindi sila naawa, kaya’t nararapat na hindi sila kaawaan. Hindi nagpaubaya, sige at kanilang pangatawanan ngunit walang sisihan, pagdating ng ganti ng may kapansanan.
like
bc
Unspoken Misery
Updated at Nov 9, 2021, 19:02
Ang buhay ko'y puno ng paghihirap, dusa at pasakit. Kahit anong hiyaw ang gawin, sa akin ay walang nagma malasakit. Sila'y mga bingi sa aking pagma makaawa, sila'y mga tahimik na nanonood sa aking pag luha. Ako'y wala ng pag-asa, wala na akong makakapitan pa, dahil ang mga taong tinatawag kong pamilya, sila mismo ang sanhi nitong aking pagdurusa. Ang pag-aalaga at pagtanggap nyo lang ang nais kong maramdaman, maibigay nyo sana itong aking kahilingan. Dahil itong aking sakit ay di na malulunasan, hindi ko na kaya itong aking pinagdadaanan. Bago ako lumisan ay nais kong sabihin, ginawa ko ang lahat upang ako'y inyong mahalin. Pagbigyan nyo sana itong aking huling hiling, kundi ako'y babalik upang kayo'y pagbayarin.
like