Story By Maam Leah
author-avatar

Maam Leah

ABOUTquote
Absolutely loves to read and write stories. I am begging you to visit my profile and follow me. I will do my best to make a story you will surely love, to inspire and can relate in real life.
bc
Beauty and Her Billionaire Brain
Updated at Feb 19, 2023, 06:25
She is nerd, natural beautiful ngunit natatakpan ng makapal na eye glasses ang kaniyang magagandang mga mata, modest and dedicated woman. She is Miss Beauty Rest, the funny lovely clerk of a minor private firm owned by her Chinese boss. Pinagtatawanan dahil sa kaniyang kapalpakang nagawa sa buhay but she has a strong will to accomplish her mission in order to fulfill her dreams in life para sa kaniyang pamilya. She meets Mr. Brain Damage, one of the clients of her boss who accepted the presentation proposal na kaniyang inihanda. The hot billionaire na masyadong choosy pagdating sa babae. What will be the tale of the life of Miss Nerd Beauty Rest and Hot Billionaire Mr. Brain Damage? This a romance-comedy story that surely marks a crazy scenario that you will feasible most.
like
bc
Maid in Garlic
Updated at Aug 11, 2022, 08:00
Adventurer, independent, madiskarte, minsan sinungaling din maabot lamang ang pangarap niya. Iyan si Garlic Habonito, isang probinsiyana na nakipagsapalaran na makapunta ng Maynila kahit labag sa kagustuhan ng kaniyang itay at ate Aying. Nahinto sa pag-aaral nang mamatay ang kaniyang inay. Ilusyonada ika nga. Inaasahan niyang maging maganda ang kapalaran niya sa Maynila sa pagsama niya sa kaniyang tiyahin. Magiging maganda nga ba ang kaniyang mundo sa inaakala niyang nasa Maynila ang maganda niyang kapalaran? Paano kaya kung paglaruan siya mismo ng kaniyang kapalaran? Ano ang magiging buhay niya bilang isang maid sa pamilyang Javier? Tunghayan si Garlic Habonito, ang komedyanteng pasaway at puno ng katatawanan. Subaybayan ang kaniyang bagong mundo sa pag-apak niya sa Maynila.
like
bc
Single Mother
Updated at Jul 27, 2022, 22:40
Iniwan ng kaniyang ina pagkatapos siyang ipinanganak dahil isang bayaran ang trabaho ng nanay niya. Tanging naiwan siya sa kaniyang tiyahin. Namuhay nang masalimuot dahil sa kahirapan subalit nagsikap at nagsakripisyo para makapagtapos ng kaniyang pag-aaral. Sa kaniyang kolehiyo, nakilala niya ang binatang anak-mayaman, gwapo at ipinadama sa kaniya ang pagmamahal at kahalagahan bilang isang babae. Sa pagtuntong ng kaniyang ikalabinsiyam na taon, isinuko ni Marriane ang kaniyang sarili kay Froilan at makalipas ang dalawang buwan, nagbunga ang kanilang kapusukan. Paano na lamang kung ang pamilya ni Froilan ay hindi masikmurang sa isang katulad lamang ni Marriane mahumaling ang binata? Matatanggap kaya ni Froilan kapag nalamang may ibang lalaki sa buhay ni Marriane at ito ang magiging ama ng anak ng dalaga? Paano lalabanan ni Marriane ang pagiging isang single mother, magiging katulad din ba ng kaniyang anak ang kaniyang naging kapalaran? Kaya pa bang ipaglaban ni Marriane ang kaniyang anak, kapalit ng buhay nito?
like
bc
Sa Ngalan ng Pag-ibig
Updated at Feb 6, 2022, 17:03
Sampung taong gulang nang naulila si Fermie at kinupkop ng kaniyang tiyahin na nagtatrabaho sa mansion ng pamilyang Madrigal. May matalik siyang kaibigang si Kia na laging tumutulong sa kaniya. Nakilala ni Fermie ang anak ng kumare ni Ginang Mildred ang may-ari ng mansion, si Gabbie Sanchez isang seaman nang di sinasadya ay naitulak nito ang pintuan sa kusina dahilan para mabitiwan nito ang mamahaling plato ni Ginang Mildred. Ito ang naging dahilan ng paghihirap ng loob ni Fermie. Hindi pa siya nagmahal pero nasasaktan na siya. Ang isang Gabbie Sanchez na mayaman, guwapo at isang babae ay ma-in love sa isang katulad ni Fermie. Mababago ba ang pagkatao ni Gabbie nang dahil sa dalaga? May pag-asa rin ba ang puso ni Fermie na kaytagal hinintay ang lalaking unang humalik at yumakap sa kaniya nang di inaasahan? Anong kapalaran ang naghihintay sa kanilang pagmamahalan sa gitna ng maraming pagsubok? Malalampasan kaya nila ito sa NGALAN NG PAG-IBIG?
like
bc
Childhood Memories
Updated at Aug 31, 2021, 07:59
Magkababata sina Pat at Gennie, at naging matalik na magkaibigan. Sila ay magkaklase mula elementary hanggang highschool. Naging libangan nila ang pagtatanim ng mga halamang gulay sa bukid ni Lolo Imbo tuwing walang pasok at ipinagbebenta ang mga ito upang makaipon ng pera. Away, bangayan at bati ang naging takbo ng kanilang pagkakaibigan. Kalauna'y pagdating ng higschool ay hindi maunawaan ni Pat ang umusbong na paghanga sa matalik na kaibigan. Kailangan niya itong ilihim dahil sa takot at pagkabahala na baka magalit ang nakababata sa kaniya. Lagi silang nagdadamayan sa saya, sa hirap man o kalungkutan, lalo na si Gennie dahil salat sa pangangailangan sa buhay ay nandoon si Pat upang tulungan siya. Binigyan niya ng kuwintas si Gennie nang maka-graduate na sila sa highschool. Ito ay may pendant na susi at ang kapares nito ay ang suot din niyang kuwintas na may pendant na kandado. Ano kaya ang koneksiyon ng mga kuwintas na iyon sa pagiging magkaibigan nilang dalawa? Hanggang kailan kaya ililihim nina Pat at Gennie ang nakatagong pag-ibig sa kanilang mga puso? Mabubuksan pa kaya ni Gennie ang nakakandadong puso ni Pat? Tunghayan ang childhood memories ng dalawang magkababata na naging matalik na magkaibigan, na sa kalauna'y may umusbong na pag-ibig na sadyang inilihim, ngunit malalampasan pa kaya nila ang pagsubok kung darating ang mga taong maging dahilan upang mabahidan ang kanilang pagkakaibigan?
like