Story By Azureriel
author-avatar

Azureriel

ABOUTquote
a romance novelist who hate romance
bc
LIVING WITH MY HUSBAND'S MISTRESS
Updated at Jan 31, 2022, 00:47
Nabuntis si Gabriella Dimartir ng kaniyang nobyo habang siya ay nag-aaral sa kolehiyo. Siya na lang ang inaasahan ng kaniyang pamilya na mag-aahon sa kanila sa hirap kaya naman ganoon na lamang ang pagkadismaya ng mga ito. Pinili nilang panindigan ang kanilang ginawa at pinakasalan siya ni Daniel Ezcarraza na isa ng ganap na Civil Engineer. Naging maayos naman ang mga unang taon nilang mag-asawa ngunit makalipas ang tatlong taon ay unti-unti itong nagbago. Lalo pa nang dumating si Bridgette Machati, ang babaeng sisira sa pagsasama nila. Magagawa pa kaya niyang isalba ang marraige nila gayung may iba nang minamahal ang kaniyang asawa? —Azureriel
like
bc
THE MAID WITH A GOLDEN CROWN
Updated at Jan 29, 2022, 02:23
Tumakas sa sariling kasal ang bride na si Caliyah dahil hindi niya gusto ang lalakeng ipinagkasundo sa kaniya ng kaniyang mga magulang. Suot-suot ang kaniyang puting traje de voda, sumakay siya sa isang cargo-truck para lamang matakasan ang mga humahabol sa kaniya pati na rin ang kasalang kailanman ay hindi niya ninais na maganap. Sa kaniyang pagtakas, dinala siya ng sasakyan sa isang probinsya kung saan makakagawa siya ng isang bagay na magpapabago sa takbo ng buhay na nakasanayan niya. Dahil sa kamalditahan ay aksidente niyang nasunog ang malaking bahagi ng sakahan, na naging rason para kamuhian siya ng mga magsasaka sa lugar na iyon. At bilang kabayaran sa pinsalang nagawa niya, kailangan niyang magtrabaho bilang katulong ng isang Asher Yverette Delveña, isang magsasaka na laking probinsya. Ngunit ano nga ba ang alam sa gawaing bahay at lalo't higit sa gawaing bukid ng isang Caliyah Faye Corsiño na isang maarte, spoiled, at maldita na lumaki na may marangyang buhay? Ngayon ang dating nang-aalila ng mga kasambahay ay isa na ring kasambahay slash magbubukid. Magagawa nga kaya niya ang mga trabaho sa bukid o iiyak na lang siya at papayag na makulong? —Azureriel
like
bc
RESILIENT INAMORATA
Updated at Dec 21, 2021, 15:19
Hernandez Series #1✍️ Hindi na nga mabibilang sa daliri sa kamay at paa ang mga babaeng niloko at pinaiyak ni Markuz Hernandez. Wala sa bokabolaryo niya ang salitang pagseseryoso. Inom, barkada, babae, gimik, at karera, d'yan umiikot ang buhay niya. Ngunit ang mundo niya ay biglang nabaliktad nang ipagkasundo siya ng kaniyang mga magulang kay Christine Hyrene Delveña na isang nerd. ©Photo used in the bookcover isn't mine. Credits to the rightful owner.
like